• June 5, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DALAGA TIMBOG SA P353K SHABU

Balik-kulungan ang isang 21-anyos na dalaga matapos makuhanan ng higit sa P.3 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan city.

 

Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Eliseo Cruz ang naarestong suspek na si Lyza Andrade, (watchlisted), dating naaresto noong July 29, 2019 at nakalaya noong August 2019 matapos makapagpiyansa RTC Branch 123, Caloocan City sa paglabag sa R.A. 9165.

 

Alas-2 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Ramon Aquiatan Jr. sa ilalim ng pangangasiwa ni PCOL Giovanni Hycenth Caliao sa harap ng No. 45, Libis Talisay Dulo, Brgy. 12.

 

Isang undercover police na nagpanggap na buyer ang nagawang makapagtransaksyon sa suspek ng P6,000 halaga ng shabu.

 

Matapos iabot ng suspek ang isang sachet ng shabu sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng marked money ay agad siyang inaresto ng mga operatiba.

 

Narekober sa suspek ang aabot sa 52 gramo ng shabu na tinatayang nasa P353,000.00 ang halaga, at buy-bust money na binubuo ng isang tunay P1,000 bill at 5 piraso P1,000 boodle money. (Richard Mesa)

Other News
  • Federer nabigo sa quarterfinals ng Wimbledon

    Natapos na ang kampanya sa Wimbledon ni Swiss tennis star Roger Federer.     Ito ay matapos na talunin siya ni world number 18 Huber Hurkacz sa quarterfinal ng nasabing torneo.     Nakuha ng 24-anyos na Polish tennis star ang score na 6-3, 7-6(7-4) at 6-0.     Ito rin ang unang pagkakataon ni […]

  • 4 patay, 3 sugatan

    Apat ang patay, kabilang ang dalawang pulis ng Quezon City Police District (QCPD), isang  agent at isang civilian informant ng Phi­lippine Drug Enforcement  Agency (PDEA), habang tatlo pa ang sugatan sa naganap na ‘misencounter’ ng dalawang ahensiya kamakalawa ng gabi sa Quezon City.     Ayon kay National Capital Region Office chief,  Maj. Gen. Vicente […]

  • BIANCA, mas demanding ang role bilang isa sa ‘Legal Wives’ ni DENNIS kumpara sa ‘Sahaya’

    MARAMI nang naghihintay kay Bianca Umali sa bago niyang GMA Telebabad family drama series na Legal Wives.      Hinangaan ng mga televiewers noon ang pagganap ni Bianca ng isa ring family drama series na Sahaya na tungkol din sa kultura ng mga Muslim, si Sahaya sa gitna ng mga hirap na pinagdaanan niya ay […]