• April 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dalagita, 3 pa, tiklo sa P.3M halaga ng shabu

NASAMSAM ng mga awtoridad ang mahigit sa P.3 milyon halaga ng shabu sa apat katao kabilang ang isang 17-anyos na dalagita matapos masakote sa drug buy-bust operation sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

 

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Vincent Young, 25, istambay, Pamela Atienza, 21, saleslady, kapwa ng Brgy. 14, Paul Ryan Coronel, 27, istambay, ng Brgy. 18 at isang 17-anyos na dalagita.

 

Ayon sa ulat, isinagawa ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng Northern Police District (NPD) ang buy-bust operasyon kontra sa mga suspek dakong alas-3:20 ng madaling araw sa Brgy. 14, Caloocan City matapos ang masusing pagmamatyag ng pulisya hinggil sa kanila umanong iligal na gawain.

 

Nang magpalit ng kamay ang marked money at epektus ay sumenyas ang poseur-buyer sa kanyang mga kasamang pulis na agad namang lumapit at dinamba ang mga suspek.

 

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t-kumulang sa 50 gramo ng shabu na tinatayang nasa P340,000 ang halaga, dalawang cellular phone, P1,600 na cash, at buy-bust money.

 

Kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga naarestong suspek sa Caloocan City Prosecutors Office. (Richard Mesa)

Other News
  • Bago o mataas na buwis tinitingnan para bayaran ang utang ng Pinas

    SA NATITIRANG limang buwan na lamang sa tanggapan, ipinanukala ni Finance Secretary Carlos Dominguez III ang bago o mataas na buwis para mabayaran ang foreign debts ng Duterte administration na ginamit para tugunan ang COVID-19 pandemic.     “We are very confident that 2022 will be the year that we will return to normalcy,” ayon […]

  • Senator Gordon binatikos ang LTO

    BINATIKOS ni Senator Richard Gordon ang Land Transportation Office (LTO) dahil sa pagkabigo nitong ipatupad ang Republic Act 11235 o ang tinatawag na Motorcycle Crime Prevention Act na ginawang batas tatlong (3) taon na ang nakakalipas.     “The first batch of license plates for motorcycles was distributed on Aug. 27, 2020. The LTO still […]

  • 194 infra projects, ibinida ng mga eco managers ng administrasyong Marcos sa Singapore

    IBINIDA ng economic managers ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.,  sa  Philippine Economic Briefing sa Singapore ang 194 infrastructure flagship projects  na nagkakahalaga ng P8.3 trillion sa ilalim ng Build Better More program ng administrasyong Marcos.     Kabilang dito ang mga proyektong may kinalaman sa physical  connectivity, water resources at agrikultura.     Mahigit kalahati […]