DALAWANG WEEKEND SHUTDOWN ANG LRT
- Published on April 15, 2021
- by @peoplesbalita
DALAWANG weekend ngayon Abril na pansamantalang shutdown ang Light Rail Transit (LRT 1) para sa pagsasaayos ng kanilang linya at tren na sinimulan na noon pang Semana Santa.
Sa anunsyo ng Light Rail Manila Corporation o LRMC, walang operasyon ang LRT line 1 sa April 17 hanggang 18, at April 24 hanggang 25, 2021.
Ayon sa LRMC, magsasagawa ng maintenance and rehabilitation activities o pagsasaayos sa kanilang linya at mga tren at istasyon; at pagpapalit ng overheard cater art wires upang mapabuti pa ang serbisyon sa mga pasahero.
Ang pagsasaayos ng LRT 1 ay preparasyon din umano para sa inaasahang commercial use ng bagong Generation-4 trainsets sa ika-apat na quarter ng 2021.
Upang hindi naman mahirapan ang mga mananakay o commuters na maapektuhan sa pansamantalang weekend shutdown ay magdedeploy naman ang LRMC ng mga public utility buses sa Route 17 o Monumento hanggang EDSA via Rizal Avenue/Taft Avenue, alinsunod na rin sa Department of Transportation.
Wala rin umanong pagbabago sa service schedule ng LRT line 1 sa weekday o Lunes hanggang Biyernes, na 4:30am hanggang 9:15pm, northbound train; at 4:30am hanggang 9:30pm para sa southbound train.
Patuloy din ang paalala sa mga commuter na tumalima sa health protocols kontra COVID-19. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Utos ni DOTr Sec. Dizon, agarang pagsibak sa mga enforcer na sangkot sa insidente sa Panglao, Bohol
INIUTOS ni Transportation Secretary Vince Dizon ang agarang pagpapatanggal sa limang tauhan ng Land Transportation Office (LTO) na sangkot sa hindi makatarungang pagtrato sa isang motorcycle rider sa Panglao, Bohol noong Biyernes. “Simula ngayong araw, tinatanggal na natin sa serbisyo ang mga enforcer na sangkot sa insidente sa Panglao, Bohol,” pahayag ni Sec. Dizon sa […]
-
DBM, labis ang pasasalamat sa napapanahong pagkakapasa sa 2025 nat’l budget
PINASALAMATAN ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil sa napapanahong pag-apruba sa panukalang P6.352 trillion national budget para sa taong 2025. Ito’y matapos aprubahan ng bicameral conference committee ang pinal na bersyon ng House Bill (HB) 10800 o ang 2025 General Appropriations Bill (GAB). “We extend our sincerest […]
-
P11 milyong idodonate ng Valenzuela LGU sa mga biktima ni ‘Kristine’ sa Bicol Region
Nakatakdang magpadala ng P11 milyon tulong ang Valenzuela City government sa mga sinalanta ng Bagyong Kristine sa Bicol Region partikular sa mga apektadong lungsod at munisipalidad ng Albay, Camarines Sur at Camarines Norte. Batay sa ulat, may limang bayan sa Camarines Sur ang napuruhan ng husto ng kalamidad kung saan 106,124 pamilya o […]