• April 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Daphne Oseña-Paez bilang bagong ‘press briefer’

PINANGALANAN ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. ang  lifestyle TV host at entrepreneur na si Daphne Oseña-Paez bilang bagong “press briefer”.

 

 

Pormal na pinangalanan ni Undersecretary Cheloy Garafil, officer-in-charge ng  Office of the Press Secretary (OPS) si  Oseña-Paez sa mga mamamahayag sa  Palace press briefing, araw ng Martes.

 

 

“Simula ngayong araw ay may bago tayong makakasama sa bawat briefing na gagawin dito sa press working area. Siya ang magiging tagapaghatid ng balita at impormasyon tungkol sa mga gawain at proyekto ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr.,”ayon kay  Garafil.

 

 

“Ipinakikilala namin sa inyo ang bagong Malacañang Press Briefer, si Binibining Daphne Oseña-Paez,” dagdag na pahayag ni Garafil.

 

 

Si Oseña-Paez ay mas kilala bilang  lifestyle TV host, subalit nag-cover din ito sa Palasyo ng Malakanyang noong panahon ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.

 

 

Taong 2019, pinangalanan siya bilang UNICEF National Goodwill Ambassador para sa pagsuporta at pag-promote nito sa karapatan ng mga kabataan.

 

 

“Isang karangalan na makasama namin sa Office of the Press Secretary ang isa sa mga lumalaban para sa mga karapatan ng mga kababaihan, kabataan at ng kalikasan,” ayon kay Garafil.

 

 

Sinabi naman ni Oseña-Paez na magsasagawa siya ng  palace press briefings tuwing araw ng Martes matapos na pangunahan ni Pangulong Marcos ang Cabinet meetings.

 

 

Nilinaw naman ni .Oseña-Paez na iba ang kanyang tungkulin at gampanin sa mga dating presidential spokesperson.

 

 

“The President will speak for himself. I’m just here to support the Office of the Press Secretary for now and I look forward to learning a lot about the programs,” anito.

 

 

“My role here is to amplify and to communicate the message of President Marcos and the Cabinet and the government and you are my partners in this,” aniya pa rin.

 

 

Ani Oseña-Paez, noong siya ay nasa   lifestyle hosting stint, ang public service ay malapit sa kanyang puso.

 

 

“Since I will be the one who will be regularly your source for updates from the Palace, I look forward to working with all of you of course in a harmonious and collegial manner kasi I am also one of you,” aniya pa rin.

 

 

Aniya, isang making karangalan at hamon ang magtrabaho sa administrasyong Marcos.

 

 

“I am very honored to be communicating the message and programs of this administration of course in an accurate and effective way and I will do my best,” wika ni Oseña-Paez. (Daris Jose)

Other News
  • Cavs, tuloy ang paggawa ng kasaysayan sa NBA matapos umabanse sa 15 – 0

    Tuluy-tuloy sa paggawa ng kasaysayan ang Cleveland Cavaliers matapos maibulsa ang ika-15 magkakasunod na panalo ngayong araw kontra Charlotte Hornets, 128 – 114.     Ang naturang team ang tanging koponan na hindi pa natatalo ngayong season.     Dahil sa panalo, ang Cavs ang ika-apat na team sa kasaysayan ng NBA na nakapagbulsa ng […]

  • Hontiveros: Lisensiya ng mga baril ni Quiboloy, bawiin!

    NANAWAGAN si Senador Risa Hontiveros nitong Lunes sa Philippine National Police (PNP) na bawiin at kanselahin ang lisensya ng mga baril ni pastor Apollo Quiboloy na tinawag ng senadora na isang pugante.     Ginawa ni Hontiveros ang pahayag matapos kumalat online ang mga larawan at video ng kanyang sinasabing private army training with firearms. […]

  • Drug lords ilagay sa isla na puro bato – Sotto

    Bilang alternatibo sa parusang kamatayan, iminungkahi ni Senate President Vicente Sotto III na alisin sa National Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa at ibukod ang mga kriminal mula sa iba pang bilanggo.     Suhestiyon ito ni Sotto para umano sa mga nawawalan na ng pag-asa na mabuhay pa ang parusang kamatayan sa bansa kaya ito ang […]