Daquis pinasilip ang kurba
- Published on January 14, 2021
- by @peoplesbalita
Hindi papatinag pagdating sa paseksihan si Philippine SuperLiga (PSL) star Rachel Anne Daquis ng Cignal High Definition Spikers na ipinasilip ang kanyang alindog sa social media nito lang isang araw.
Pinaskil ng 33-taong gulang at may taas na 5-9 ang ilang mga larawan niya sa Instagram kung saan makikita ang taglay pa ring kaseksihan suot ang isang orange two-piece swimsuit.
Sumisid na parang sirena ang dati ring national indoor women’s volleyball team sa ilalim ng isang karagatan.
“Fear is only as deep as the mind allows,” bulalas pa ng dalagang beteranang balibolista.
Maaring masaksihan si Daquis sa pagbabalik ng liga sa pamamagitan ng Beach Volleyball Challenge Cup sa darating na Pebrero sa Subic, Zambales mula nang matengga nitong Marso 2020 dahil sa Covid-19. Planong maging kasunod na okasyon ng PSL ang Fan’s Day sa Marso 7. (REC)
-
TONI, ayaw talagang tantanan ng bashers at tinawag na ‘Marcos Apologist’; movie nila ni JOHN LLOYD pinagdisdiskitahan din
AYAW talagang tantanan si Toni Gonzaga ng mga bashers na kung saan tinawag na nila itong ‘Marcos Apologist’. Ang latest nga ay pinagdiskitahan nila ang movie niya with John Lloyd Cruz na My Amnesia Love, dahil may mataba ang utak na nakaisip na mag-edit nito sa Wikipedia, yun isa ay nilagyan lang ng […]
-
Rarampa sa City of Love bukod sa Rome: SOFIA, invited sa second part premiere ng ‘Emily in Paris’
LUMIPAD ang Sparkle teen star na si Sofia Pablo sa Rome for business and little bit of R&R. Sa kanyang Instagram account, pinost ng ‘Prinsesa ng City’ Jail star ang kanyang excitement sa pagpunta sa Rome. “Off to Rome for some new adventures ✨… and a little something with @emilyinparis Season […]
-
Chinese Coast Guard armado ng itak, sibat, kutsilyo – AFP
ARMADO ng itak, sibat, kutsilyo at iba pang mga patalim ang Chinese Coast Guard (CCG) na umatake sa Philippine Navy personnel habang nagsasagawa ng Rotation and Resupply (RoRE) mission sa Ayungin Shoal. “They fight with their bare hands, despite the absence of weapons to defend themselves lumaban sila (Filipino troops). ‘Yung mga […]