• April 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dating Comelec Commissioner Virgilio Garcillano, pumanaw na

PUMANAW na sa edad na 87 ang dating Commission on Elections (Comelec) Commissioner Virgilio Garcillno noong Sabado sa Baungon,Bukidnon.

Nakilala si Garcillano dahil sa kontrobersyal na ‘Hello Garci’ scandal.

Siya ay nakaburol sa St.Peter’s Chapel sa uptown Cagayan de Oro City mula pa noong Linggo. Ang detalye ng kanyang libing ay wala pang anunsyo.

Matatandaan na naging kontrobersyal ang dating komisyuner nang lumabas noong 2005 ang recording ng kanilang pag-uusap ni dating Pagulong GLoria Macapagal-Arroyo.

Inamin ni Arroyo na nakipag-usap siya sa isang opisyal ng Comelec sa panahon ng canvassing at humingi ng paumanhin sa kanyang pagkakamali sa paggawa ng tawag.

Pinabulaanan ng komisyuner na inutusan siya ni Arroyo na mandaya sa halalan at inamin na nakipag-usap siya matapos ang bilangan ng mga boto.

Nagtapos si Garcillano ng abogasya sa University of the East noong 1960. Nagsilbi bilang career official ng Comelec, mula sa pagiging special attorney noong 1961.  (Gene Adsuara)

Other News
  • Ads December 23, 2022

  • Ads May 4, 2023

  • P6.352 trilyong national budget posibleng pirmahan ni PBBM sa Dec. 20

    NAGBIGAY na ng tentative date ang Malakanyang sa nakatakdang paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa panukalang P6.352 trillion national budget para sa fiscal year 2025.     Sa isang text message ni Presidential Communications Operations (PCO) Secretary Cesar Chavez, sinabi nito na ang tentative date para sa pagpirma sa panukalang P6.352 trillion national budget […]