• March 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dating kagawad tinodas ng riding in tandem sa Malabon

Dedbol ang isang negosyante na dating barangay kagawad matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi kilalang mga suspek na sakay ng isang motorsiklo sa Malabon city, kamakalawa ng hapon.

 

 

Dead-on-arrival sa Ospital ng Malabon sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Ricky Legaspi, 51 at residente ng Adante St. Brgy. Tañong.

 

 

Lumabas sa inisyal na imbestigayon, dakong 2:20 ng hapon, nagtungo ang biktima sa Estrella St. Brgy. Tañong at nang iparada na niya ang kanyang motorsiklo ay pinagbabaril ito ng hindi kilalang gunman.

 

 

Matapos ang pamamaril, sumakay ang gunman sa naghihintay na motorsiklo na minamaneho ng kanyang hindi rin kilalang kasabwat bago mabilis na tumakas sa hindi matukoy na direksyon habang isinugod naman ang biktima sa naturang pagamutan subalit, hindi na ito umabot ng buhay.

 

 

Patuloy naman ang follow-up imbestigasyon ng pulisya para sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa mga suspek habang inaalam pa ang tunay na motibo sa insidente. (Richard Mesa)

Other News
  • Mahigit P1.1-B halaga ng ayuda naipamahagi na

    Iniulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na halos 1 milyong low-income na mga Pilipino na naapektuhan nang pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) ang nakatanggap na ng kanilang ayuda.     Aabot umano ng mahigit isang bilyong piso ang naipamigay ng nasabing ahensya.     Batay sa […]

  • Marcos, ipagpapatuloy ang giyera laban sa illegal na droga ‘with respect for rights, focus on rehabilitation’- diplomat

    NANGAKO si President-elect Ferdinand Marcos Jr.  na ipagpapatuloy niya ang sinimulang giyera  ni outgoing President Rodrigo Roa Duterte laban sa  illegal na droga  na may paggalang sa karapatang-pantao at nakatuon ang pansin sa rehabilitasyon.     Sinabi ni Ambassador Annika Thunborg of Sweden,  ipinahayag ni Marcos ang usaping ito sa kanilang meeting kung saan tinalakay […]

  • Comelec, magsasagawa ng nationwide voter education roadshow sa Dec. 2

    Nakatakdang magsagawa ng isang nationwide voter education roadshow ang Commission on Elections (Comelec) sa Lunes, December 2, 2024.     Ito ay bilang paghahanda sa 2025 National and Local Elections at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Parliamentary Elections.     Kasama sa roadshow ang mga live demonstration ng automated counting machine (ACM), upang maging […]