• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dating Mayor ng Antique, itinalaga bilang bagong pinuno ng SBMA

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating Antique Mayor Jonathan Dioso Tan bilang  Administrator and Chairman ng Subic Bay Metropolitan Authority na may termino na anim na taon.

 

 

Pinalitan ni Tan si Rolen C. Paulino.

 

 

Ang appointment letter ni Tan na pirmado ng Pangulo ay may petsang Abril 28, 2023.

 

 

“By virtue hereof, you may qualify and perform the duties of the office, furnishing the Office of the President and the Civil Service Commission with copies of your Oath of Office,” ang nakasaad sa nasabing appointment letter na tinintahan ng Pangulo.

 

 

Sa ulat, nagbitiw sa puwesto si Paulino, ang chairman at administrator ng SBMA sa harap ng mga empleyado sa lowering of flag noong Marso 31, 2023, araw ng Biyernes.

 

 

Nagsumite si Paulino ng kaniyang courtesy resignation epektibo sa Abril 15, 2023 kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ilang araw matapos ang inilatag na State of the Freeport Address (SOFA) kung saan pinasalamatan niyang lahat ang mga dumalo.

 

 

Sa SOFA, una niyang pinasalamatan ang mga empleyado at mga opisyal ng SBMA, mga stakeholder, mga local government unit officials ng mga lugar na nakasasakop sa Subic Bay Freeport tulad ng Zambales, Olongapo City at Bataan.

 

 

Iniisa-isa nito ang lahat ng kanyang mga accomplishment sa loob ng maikling panahon, kung saan ang kanyang termino aniya ay natapat sa panahon ng pandemya pero nagawa aniya nang maayos at epektibo ang kanyang tungkulin.

 

 

Ayon kay Paulino, ang kaniyang termino ay 6 na taon base sa kaniyang appointment mula sa dating Pangulong Rodrigo Duterte, pero naghain siya ng courtesy resignation upang mabigyang-laya si Marcos na pumili ng bagong SBMA chairman and administrator. (Daris Jose)

Other News
  • Mga guro tutukan sa gitna ng pandemya – Gatchalian

    SA pagdiriwang ng National Teacher’s Month, inihayag ni Senador win Gatchalian na dapat tutukan ng pamahalaan ang kapakanan at kaligtasan ng mga guro sa gitna ng pananalasa ng corona virus 2019 (COVID-19) pandemic.   Para kay Gatchalian, ito ang pinakamabuting pamamaraan upang ipagdiwang ang National Teacher’s Month na magpapatuloy hanggang Oktubre 5, araw ng World […]

  • PBBM pinarerebyu ang disaster response

    NAIS  ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na rebyuhin ang mga standard operating procedures (SOPs) upang lumikha ng pare-pareho at magkakaugnay na diskarte sa panahon ng kalamidad.     Sinabi ni Marcos sa meeting ng Gabinete kahapon na dapat irebyu ang mga SOPs kapag may warning at kung ano ang mga dapat gagawin kapag mayroong […]

  • Davao Archbishop Romulo Valles, muling itinalaga ni Pope Francis bilang miyembro ng Vatican office

    MULING itinalaga ni Pope Francis si Davao Archbishop Romulo Valles bilang miyembro ng Congregation for Divine Worship and the Discipline of the Sacraments (CDW) ng Vatican.     Dahil dito ay nakatakdang magpatuloy pa rin ang arsobispo sa kanyang pagsisilbi sa loob ng limang taon.     Sa inilabas na statement ng Catholic Bishops’ Conference […]