• April 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dating PNP Chief Gen Camilo Cascolan, itinalaga sa Office of the President

KINUMPIRMA ni Presidential Spokesperson Harry Roque na itinalaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si retired Gen Camilo Cascolan bilang Undersecretary sa Office of the President.

 

Ito’y makaraan ang ilang buwan pa lamang na pagreretiro ni Cascolan sa puwesto.

 

Sa ulat, si Cascolan ay itinalaga bilang Chief PNP noong September 20, 2020 at nagretiro noon ding November 2020.

 

Si Cascolan ay pang-apat na Chief PNP sa ilalim ng Duterte Administration at miyembro ng PMA Class 1986.

 

Sinasabing, isa rin si Usec Cascolan sa mga nag- draft ng PNP Oplan Double Barrel na ang target ay mga malalaking isda sa illegal drug industry ganundin ang Oplan Tokhang. (Daris Jose)

Other News
  • Bukod pa sa pagtatambalan nila ni Aga: JULIA, ‘di big deal kung second choice sa movie nila ni ALDEN

    IPINAHAYAG ng Viva Films na tinanggap na ni Julia Barretto ang bago niyang project, ang “A Special Memory,” na pagtatambalan nila ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards.      Ito iyong movie na dapat ay pagtatambalan nina Alden at Bea Alonzo, pero nag-beg-off si Bea dahil sa busy schedule nito. Maraming humanga kay Julia dahil […]

  • LTFRB, binalaan ang mga ride-sharing firms, magde-deploy ng mga ‘mystery riders’ sa gitna ng overcharging

    BINALAAN ng mga transportation authority ang mga kumpanya na nasa ride-hailing service market na huwag magpataw ng sobrang pamasahe matapos silang makatanggap ng report ng overcharging laban sa isang player.     Sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nakatanggap sila ng reklamo laban sa Joyride Ecommerce Technologies Corp. dahil naningil ito […]

  • Valenzuela, pinaigting ang clean-up drive activities kontra dengue

    IPINAG-UTOS ni Mayor WES Gatchalian sa City Health Office (CHO) na magpatupad ng ilang mga aksyon upang mabawasan ang dumaraming kaso ng dengue sa Lungsod ng Valenzuela sa pamamagitan ng pagpapaigting ng clean-up drive activities, lalo na sa sampung barangay kung saan napansin ang maraming kaso. Kabilang sa pag-alis at pagsira sa mga potensyal na […]