• October 10, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dating Unang Ginang Imelda Marcos, gustong sumama sa kanyang anak na si PBBM sa Hawaii trip nito

SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  na nais ng kanyang ina na si dating Unang Ginang Imelda Marcos na sumama sa kanyang working visit sa Hawaii.

 

 

“Oh yes, oh yes she would. She would love to have come just to see all of the people. If she cannot travel, sabi ko nga kay Manong Joe, ikaw na lang pumunta doon pasusundo ka namin,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Si Joe Lazo ay kaibigan ng mga Marcoses.

 

 

Winika ng Pangulo na malapit si Joe  sa kanyang mga magulang lalo na noong panahon ng kanilang exile.

 

 

Sinabihan aniya siya ng kanyang una na makipagpulong at pasalamatan ang lahat ng mga  Filipino na tinulungan sila para maka-survive noong kanilang exile noong 1986.

 

 

Sinabi ng Punong Ehekutibo na nang dumating ang kanyang pamilya sa Hawaii noong 986,  walang-wala aniya sila at tanging ang  Filipino community  ang nagbigay ng kanilang mga pangangailangan.

 

 

Inamin ng Pangulo na kung hindi dahil sa tulong ng Filipino community ay malamang na wala na sila ngayon. (Daris Jose)

Other News
  • P17.4 million kontribusyon ng OFWs ibinulsa

    Aabot sa P17.4 milyong halaga ng PhilHealth premiums o kontribusyon na kinolekta sa mga overseas Filipino workers ang ibinulsa umano ng “sindikato” sa Philippine Health Insurance Corporation.   Ayon kay Ken Sarmiento, dating Senior Auditing Specialist ng PhilHealth, na noong nakatalaga pa siya sa Operations Office ng PhilHealth sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ay […]

  • Padilla nagbitiw bilang PDP-Laban executive VP, mananatiling miyembro

    INIHAYAG ni Sen. Robinhood Padilla, Martes, ang kanyang pagre-resign bilang executive vice president ng PDP-Laban, partidong pinangungunahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.     Inanunsyo niya ito ilang araw matapos magbanta ng pag-alis sa partido kung hindi raw susuportahan ng grupo ang Charter change, bagay na sinang-ayunan ng PDP-Laban kalaunan.     “As an incumbent […]

  • Kaya thankful sa kanyang management: RONNIE, tuloy lang ang projects kahit busy sa pag-aaral

    THANKFUL ang singer-actor na si Ronnie Liang sa Viva Artists Agency (VAA) dahil kahit na naging abala siya sa kanyang pag-aaral at sa Philippine Army, tuloy lang daw ang pagbigay sa kanya ng projects.     “I’m very grateful to Boss Vic (del Rosario), Ma’m Veronique (del Rosario), and Boss Vincent (del Rosario) for all […]