DBM, aprubado ang pagbili ng DOH ng 173 medical vehicles
- Published on October 24, 2024
- by @peoplesbalita
PINAGKALOOBAN ng Department of Budget and Management (DBM) ang Department of Health (DOH) ng P454 milyon para sa pagbili ng 173 medical vehicles.
Sa katunayan, inaprubahan ni Budget Secretary Amenah Pangandaman noong Oktubre 17 ang pagpapalabas ng Authority to Purchase Motor Vehicle (APMV) para sa DOH.
Sinabi ng DBM na pinahihintulutan ng APMV ang DOH na bumili ng 161 unit ng land ambulance, dalawang unit ng mobile primary care facility o mobile clinic, apat na unit ng sea ambulance, apat na unit ng passenger van, isang van na magsisilbi bilang patient transport vehicle, at isang van na gagamitin bilang mobile blood donation van.
“The approval of the APMV is chargeable against the DOH’s Health Facilities Enhancement Program (HFEP) under the 2024 General Appropriations Act,” ang sinabi ng DBM.
Layon naman ng HFEP na tugunan ng healthcare delivery gaps at gawing mas accessible ang mga pasilidad at serbisyo.
Sakop ng pinakabagong APMV ang second batch ng motor vehicles (MVs) na bibilhin ng DOH.
Hunyo 11, inaprubahan ni Pangandaman ang pagpapalabas ng APMV na nagkakahalaga ng P387 milyon para sa pagkuha sa unang batch ng 141 units ng medical vehicles.
Ang pagbili aniya ng motor vehicles ay para magawa ng DOH na makapagbigay sa mga mamamayang Filipino ng mas maayos at mas ‘reliable’ na health services.
“The purchasing of additional medical vehicles will surely augment the ongoing structural enhancements of our healthcare system,” ang sinabi ng Kalihim. (Daris Jose)
-
Pagbakuna sa 35.5 milyong workers kasado na
Kasado na ang pagbakuna sa 35.5 milyong manggagawa kung saan prayoridad ng pamahalaan na unahin ang nasa edad 40-taong gulang pataas sa ilalim ng A4 group sa nagpapatuloy na ‘vaccination program’ sa bansa sa darating na Hunyo. Sinabi ni Health Undersecretary Leopoldo Vega na mas uunahin nila ang mga mas nakatatanda sa ‘working […]
-
COVID-19 VACCINE STORAGE FACILITY SA MAYNILA, HANDA NA
HANDA na ang banong Covid-19 vaccine storage facility matapos pasinayan nina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan. Ang itinayong bagong COVID-19 Vaccine Storage Facility na pag-iimbakan ng mga vaccine vials na magmumula sa iba’t ibang pharmaceutical firms. Ito’y makaraang bisitahin ng Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) […]
-
TESDA grads inayudahan ni Bong Go
PINURI ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga nagtapos sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa Mindtech Training and Development Institute Inc. sa Pasig City noong Miyerkules, Mayo 8. Nakapagtapos ang mga nasabing iskolar na ito sa programa ng TESDA sa pamamagitan ng suporta ni Sen. Go. “The skills and knowledge you have […]