• February 9, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DBM, aprubado ang pagpapalabas sa P30.4-B para sa MUP pension para sa Q1 2025

INAPRUBAHAN ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman ang pagpapalabas ng P30.409 billion para i-cover ang regular pension requirements ng military and uniformed personnel (MUP) para sa first quarter ng 2025.

Sinabi ng DBM na ang pondo ay huhugutin sa Pension and Gratuity Fund sa ilalim ng Republic Act 12116 o 2025 General Appropriations Act.

Tinatayang P16.752 billion ng P30.409 ang ipinalabas para sa General Headquarters-Proper ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Veterans Affairs Office sa ilalim ng Department of National Defense (DND).

May kabuuang P13.297 billion ang ipinagkaloob sa sa mga attached agency ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kabilang na ang Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology, at National Police Commission.

Ipinalabas din ng DBM ang P8.530 million para sa 34 pensiyonado sa ilalim ng National Mapping and Resource Information Authority ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

“The funding requirements for the payment of pension to the 2,836 retired uniformed personnel of the Philippine Coast Guard for the same period reached P350.680 million,” ang pahayag ng departamento.

“The releases are based on the actual pension payroll submitted by the above-mentioned MUP agencies as of Dec. 31, 2024,” ayon pa rin sa DBM.

Sinabi ni Pangandaman na ang pagpapalabas ng pondo para sa pensyon ng MUP ay pagsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

“For many MUP retirees and their families, pensions are a lifeline that ensure their daily needs are met, katulad po ng pambili ng gamot o pagkain,” ang sinabi ng Kalihim.

“Naiintindihan po natin, lalo na po ni Pangulong BBM, kung gaano kahalaga na matanggap po ng ating mgapensionerang benepisyo nila kaya agad-agad rin po, matapos makumpleto ang mga kailangang dokumento, pinirmahan po natin ang pagpapalabas ngbudgetsa mgaconcerned agencies,” dagdag na wika nito. (Daris Jose)

Other News
  • 28 bagong scholars, tinanggap ng Navotas

    MALUGOD na tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang 28 bagong academic scholars para sa school year 2023-2024. Pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco ang paglagda sa memorandum of agreement na nagbibigay ng NavotaAs Academic Scholarship sa 15 incoming high school freshmen, 11 incoming freshmen sa kolehiyo, at dalawang guro na naghahanap ng mas mataas […]

  • Navotas Greenzone Park Phase 3

    PINANGUNAHAN nina Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco, kasama si Atty. Romando Artes, acting MMDA chairperson ang inagurasyon at pagbabasbas ng bagong bukas na Navotas Greenzone Park Phase 3 na matatagpuan R10, Brgy. North Bay Blvd. North. Ang parke ay isa sa mga Adopt-a-Park projects ng Metro Manila Development Authority (MMDA). (Richard Mesa)

  • Hindi napigilan na maging emosyonal: ANGEL, nanghihinayang na ‘di nakita ng bulag na ama lalo na noong kasikatan niya

    HINDI napigilan ni Angel Locsin ang umiyak nang matanong ito ni Ogie Diaz sa YouTube vlog ng huli.      Tinanong kasi si Angel sa kung ano ang pinanghihinayangan niya. At ito nga raw ang hindi siya nakita ng 95 years old na father niya, kahit noong panahon nasa peak siya ng career niya.     […]