• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DBM binida baryang wage hike! Kahit 3-in-1 coffee ‘di pasok sa budget

“ANONG  umento sa mga kawani ng gobyerno sa 2023 [ang] ipinagmamalaki ng DBM (Department of Budget and Management) gayung ni hindi makabili ng 1 sachet ng 3-in-1 coffee ang barat na umentong binigay ng pamahalaan sa nakaraang apat na taon?”

 

 

Ito ang patutsada ni Alliance of Concerned Teachers (ACT) chairperson Vladimer Quetua sa DBM na nasa ilalim ng pamumuno ni Secretary Amenah Pangandaman, dahil P4.85 lamang umano ang magiging umento sa pang-araw-araw na minimum na sahod ng mga manggagawa sa gobyerno mula pa noong 2018.

 

 

Ang pahayag ay ginawa matapos tiyakin ng DBM sa mga manggagawa ng gobyerno na magkakaroon ng taas sa suweldo sa 2023 sa ilalim ng Salary Standardization Law 5.

 

 

Batay sa kalkulasyon ng grupo, ang mga manggagawa sa gobyerno sa ilalim ng Salary Grade (SG) 1 ay tumatanggap lamang ng pagtaas ng P106 buwanan o P4.85 kada araw mula 2018 hanggang 2022 dahil sa tumataas na inflation.

 

 

Ayon sa ACT, ang kabuuang pagtaas ng sahod sa nakalipas na apat na taon ay P2,061 para sa antas ng suweldo.

 

 

Sinabi ni Quetua na ang mga empleyado ng SG 1 ay kasalukuyang tumatanggap ng P12,517 buwanang sweldo, mas mababa sa basic pay ng mga minimum wage earner sa National Capital Region (NCR), na P570 araw-araw o P14,820 kada buwan.

 

 

Samantala, ang mga empleyado ng SG 1 ay nakatakdang makatanggap ng P13,000 simula Enero 1, 2023, kasunod ng kaapat na tranche ng Salary Standardization Law 5 na nilagdaan noong administrasyong Duterte.

 

 

Giit pa ni Quetua, humihiling sila ng P33,000 minimum salary para sa mga manggagawa sa gobyerno, bilang karapatan nilang mabuhay, batay sa sariling datos ng gobyerno sa family living wage.

 

 

“Alongside, we demand for a four-grade adjustment to teachers’ salaries, starting from the upgrading of Teacher 1 positions from Salary Grade 11 to Salary Grade 15, for their pay to be at par with those of other professionals with comparable qualifications, such as the uniformed personnel and nurses,” dagdag pa niya.

 

 

Una rito, sinabi ng DBM na nasa P47 milyon ang inilaan sa Governance Commission para sa GOCCs sa ilalim ng proposed 2023 budget para pag-aralan ang government compensation structures. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Justin Brownlee, ganap ng Filipino Citizen

    Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang isang batas na nagbibigay ng pagkamamamayan ng Pilipinas sa American basketball player na si Justin Brownlee, sinabi ni Senador Francis Tolentino noong Huwebes.   “Oo. I am so glad that President BBM sign Republic Act 11937,” ayon  kay Tolentino, isa sa principal authors ng batas, nang […]

  • Arcilla kinopo kampeonato ng San Carlos City Nat’l Netfest

    SINUNGKIT ni Johnny Arcilla ang isa pang men’s singles Open trophy sa napaikling senaryo sa katitiklop  na PPS-PEPP San Carlos City National Tennis Championships pagkaretiro ni Jose Maria Pague sa second set dahil sa tama sa singit sa Negros Occidental.     Kinasangkapan ni Arcilla ang pagiging ismarteng beterano sa pagtarak ng 6-3 sa opening […]

  • SANYA, balitang papalitan na ni ANDREA bilang leading lady ni BONG; book two ng ‘First Yaya’ hinahanda na

    NAPANSIN ba ninyo ang isang guy in blue na tumakbong lumapit at mahigpit na yumakap sa first Olympic Gold Medalist ng bansa na si Hidilyn Diaz?      Walang iba kundi ang kanyang boyfriend of three years at strength and conditioning coach na si Julius Irvin Naranjo, a Filipino-Japanese weightlifter at the Asian Indoor and […]