• September 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DBM, itinanggi na naantala ang benepisyo ng mga medical workers

PINABULAANAN ng Department of Budget and Management (DBM) na naantala ang pagpapalabas ng benepisyo at allowances para sa mga healthcare at non-healthcare workers.

 

 

Sa katunayan,  nagpalabas ang DBM ng kabuuang P19.96 billion para pondohan ang public health emergency benefits at allowances para sa mga  healthcare at non-healthcare workers.

 

 

Ayon sa DBM, gagamitin ang nasabing halaga para bayaran ang kulang o natira noong 2020 para sa  Covid-19 allowance at kompensasyon ng mga health at non-healthcare workers.

 

 

“This is in accordance with the Bayanihan to Heal as One Act (R.A. 11469), Bayanihan to Recover as One Act (R.A. 11494, and Public Health Emergency Benefits and Allowances for Health Care Workers Act (R.A. 11712),” ayon sa DBM.

 

 

Sa P19.96 billion na ipinalabas na pondo, sinabi ng DBM na P7.39 billion  ang nagamit na ng Department of Health (DOH) “as of March 31, 2023.”

 

 

“The DBM wishes to reiterate that there is no delay in the release of the budget for the said program,” ayon sa departamento.

 

 

“The DBM remains committed to continue helping provide the support needed by our healthcare workers for their invaluable lifesaving work,” dagdag na pahayag ng DBM.

 

 

Samantala, nagpalabas naman ng paglilinaw ang DBM matapos sabihin ni Camarines Sur 2nd district Rep. LRay Villafuerte na kailangang maghanap ng paraan ang Department of Health at DBM  na maipalabas ang  P2 billion na naantalang  health emergency allowances para sa mahigit sa  20,000 medical frontliners.

 

 

“Rest assured that we will continue to coordinate with the DOH to ensure that the released funds will be disbursed accordingly,” ayon sa  DBM.

 

 

“We shall fully adhere to the marching order of President Ferdinand R. Marcos Jr. to continue granting our healthcare workers the necessary compensation entitled to them,” dagdag na wika nito. (Daris Jose)

Other News
  • 525,600 na AstraZeneca COVID-19, gagamitin bilang first dose sa lahat ng frontline workers

    INAPRUBAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang paggamit ng lahat ng na 525,600 na AstraZeneca COVID-19 na nakuha ng Pilipinas bilang donasyon mula sa COVAX facility para gamitin bilang first dose para sa mga frontline workers.   Binasa ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang Memorandum mula sa Office of the Executive ecretary (OES).   […]

  • Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA), binatikos ang ginawang pagbaba sa taripa

    BINATIKOS  ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA) ang ginawang pagbaba sa taripa na ipinapataw sa pag-aangkat ng bigas mula India na dating 50% taripa ay 35% na lamang ngayon.     Tugon umano ito sa naulinigang plano ng Thailand at Vietnam na taasan ang presyo ng kanilang bigas at magtaguyod ng rice cartel. […]

  • NLEX pinalawig pa ang kontrata nina Alas at Ravena

    Pinalawig pa ng NLEX Road Warriors ng tatlong taon ang kontrata nina Kiefer Ravena at Kevin Alas.   Sa kaniyang social media, ipinarating ng NLEX star guard ang kaniyang labis na kasiyahan at pasasalamat sa koponan.   Tiniyak nito sa koponan na kaniyang gagawin ang makakakaya para mangibabaw ang kanilang koponan.   Taong 2017 ng […]