DBM, nagbabala sa publiko laban sa mga fixers, scammers
- Published on June 6, 2023
- by @peoplesbalita
PINAG-IINGAT ng Department of Budget and Management (DBM) ang publiko laban sa mga fixers at scammers na nag-aalok ng tulong kapalit ng pera.
Ang payo ng DBM sa publiko ay iwasan na makipag-transaksyon sa “unscrupulous individuals” na nangangako na pabibiliisn ang trannsaksyon sa ahensiya.
“The department would like to emphasize that we will never authorize any individual or group to solicit money, goods, or favor in exchange for facilitating such transactions,” ayon sa kalatas ng DBM.
“We will not, in any way, tolerate or condone false representation or solicitation of any kind as this is a clear violation of the law,” dagdag na pahayag nito.
Tinuran pa ng DBM na mananatili ito at paninindigan ang integridad, kasipagan at transparency sa lahat ng proseso at transaksyon, bilang pagsunod sa umiiral na batas, rules and regulations, lalo na pagdating sa pagre-request at pagpapalabas ng public funds.
Sinabi pa ng departamento na ang pagsusumite ng requests para sa Local Government Support Fund– Financial Assistance (LGSF-FA) sa local government units (LGUs) ay magagawa lamang sa pamamagitan ng igital Requests Submission for Local Government Support Fund (DRSL) matatagpuan sa DBM Apps Portal.
Ang lahat ng dokumento na isusumite ng LGU sa pamamagitan ng ibang paraan ay “automatically denied.”
“To prevent scammers, middlemen, fraudulent individuals, or organized groups from making representations that they can influence or facilitate the release of the LGSF-FA to LGUs, the DBM shall directly deal only with the local chief executive of the LGU concerned,” ayon sa DBM.
Kaya pinayuhan ng departamento ang lahat na maging bigilante at kaagad na ireport ang anumang kahina-hinalang aktibidad para sa paghahain ng tamang reklamo laban sa mga walang konsensiyang indibiduwal.
“We urge the public to be more discerning and to report scams or other spurious activities by calling (02) 865-7-3300,” ang sinabi ng DBM. (Daris Jose)
-
Utos ni PBBM, patuloy na pagbabawas sa import duty rates sa bigas, mais at karne
PINALAWIG ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pansamantalang modipikasyon o pagbabago sa rates ng import duty sa bigas, mais at meat products hanggang Disyembre 2024 upang masiguro na abot-kaya ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa gitna ng epekto ng El Niño phenomenon at African Swine Fever. Sa paglagda sa Executive Order No. […]
-
Mag-ingat sa abo ng Taal – DOH
NAGLABAS ng mga paalala ang Department of Health (DOH) sa mga residente na malapit sa Bulkang Taal sa mga panganib sa kalusugan na idudulot ng paglanghap ng nakalalasong ibinubuga ng nag-aalburutong bulkan. “Ang sulfur oxide ay isang nakalalasong usok na maaaring makaapekto sa kalusugan ng tao at hayop, pati na rin ang mga […]
-
No-Contact Apprehension Policy (NCAP), imbestigahan
NAGHAIN ng resolusyon ang isang mambabatas para paimbestigahan ang kontrobersiyal na No-Contact Apprehension Policy (NCAP) na ipinatutupad sa may limang siyudad sa Metro Manila. Sa House Resolution No. 237, sinabi ni Quezon City Rep. Marvin Rillo na importanteng masiguro na nababantayan ang karapatan at kapakanan ng mga motorista laban sa posibleng pang-aabuso sa […]