De Lima inabswelto ng korte sa ika-2 kaso kaugnay ng droga
- Published on May 13, 2023
- by @peoplesbalita
IBINASURA ng isang korte sa Muntinpula kahapon Biyernes ang ikalawang kasong kinakaharap ni dating Sen. Leila de Lima kaugnay ng iligal na droga — ito matapos aminin ng isa sa mga susing testigo na gumawa siya noon ng pekeng alegasyon laban sa akusado.
Nakita ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 204 na hindi totoong tumanggap si De Lima ng P10 milyon mula sa ilang Bilibid inmates upang pondohan ang kanyang 2016 senatorial campaign, perang nanggaling diumano sa iligal na kalakalan ng droga sa loob ng New Bilibid Prison.
Dahil dito, dalawa na sa tatlong kaso kaugnay ng iligal na droga ang naipapanalo ng opposition figure. Matatandaang inabswelto rin noong 2021 si De Lima sa ibang kaso kaugnay ng droga.
Sa kabila nito, gumugulong pa ang isang kaso ang dating senadora kung kaya’t mananatili pa rin siya sa kulungan.
“I am of course happy that with this second acquittal in the three cases filed against me, my release from more than six years of persecution draws nearer. I am extremely grateful to all those who stood by and prayed for me all these years,” dagdag pa ni De Lima sa hiwalay na pahayag.
“Nagpapasalamat ako sa lahat ng naniwala at sumama sa aking laban. Hindi ninyo ako iniwan. Hindi ninyo ako pinabayaan. Maraming salamat sa inyong paninindigan na balang araw ay makakamit ko ang katarungan, lalaya, at makakasama kayong muli.”
Patuloy din daw lalaban ang kanilang kampo upang makamit ang katarungan. Patunay daw itong hindi pa ito ang katapusan.
Isa si Former Bureau of Corrections Officer-in-Charge Rafael Ragos sa mga nag-atras ng kanyang testimonya noon laban kay De Lima matapos sabihing pinwersa siya noong magsinungaling laban sa akusado.
Una nang sinabi ni Ragos na kinita siya noon si dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre noong 2021 at pinilit umamin sa bagay na hindi nangyari. Ginawa raw niya ito upang hindi idawit sa kaso at sa halip gawin pang testigo.
Itinatanggi naman ito hanggang ngayon ni Aguirre.
Maliban kay Ragos, kumambyo rin noon sa kanilang akusasyon ang self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa at ang kanyang driver-bodyguard na si Marcelo Adorco. Binawi na rin ng kanyang kapwa akusado na si Ronnie Dayan, dati rin nyang aide, ang mga sinabi laban sa senadora.
“The Court acquits both accussed [De Lima and Ronnie Dayan] on the ground of reasonable doubt,” wika ng ruling na nilagdaan ni Presiding Judge Abraham Joseph Alcantara.
“The general rule is that recantations are hardly given much weight in the determination of a case and in the granting of a new trial. The rare exception is when there is no evidence sustaining the judgement of conviction other than the testimony of a witness or witneeses who are shown to have made contradictory statements to the material facts under which circumstances the court may be led to a different conclusion.”
“Under the circumstances of this case, the testimony of witness Ragos is necessary to sustain any possible conviction. Without his testimony, the crucial link to establish conspiracy is shrouded with reasonable doubt. Hence, this Court is constrainted to consider the subsequent retraction of witness Ragos. Ultimately, the retraction created reasonable doubt which warrants the acquittal of both accused.”
Kilalang human rights advocate si De Lima at kritiko ng madugong war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, bagay na pumatay na nang libu-libo. Sa palagay ng ilan, pagdidiin ito sa kanya noon ng dating administrasyon.
Anim na taon nang nakakulong si De Lima para sa mga naturang kaso simula pa noong Pebrero 2017, dahilan para ipanawagan nang maraming grupo pati na ng international community ang kanyang paglaya. (Daris Jose)
-
Mabilis na pamamahagi ng ayuda ng mga LGUs, kinilala ng DSWD
Muling kinikilala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mabilis na pagpapatupad ng Social Amelioration Program (SAP) ng mga local government units (LGU) sa tatlong rehiyon. Base sa talaan ng mga datos ng SAP report noong ika-8 ng Mayo, mahigit siyamnapu’t tatlong porsyento (93%) ng mga LGUs na nasasakupan ng mga rehiyon ng […]
-
Tindero ng pares hinoldap, binaril
Kritikal ang lagay ng isang tindero ng pares matapos barilin ng holdaper sa Baseco Compound, Port Area, Manila, noong Martes ng hatinggabi. Pauwi na ang biktimang kinilalang si Samson Bautista, 41, kasama ang kanyang kaibigang si Pio Ramos sakay ng kanilang tricycle nang harangin ng armadong lalaki sa Barangay 649. Sa CCTV footage mula […]
-
3 arestado sa P68K shabu sa Valenzuela
TIMBOG ang tatlong hinihinalang sangkot sa illegal na droga kabilang ang isang bebot sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) PLT Joel Madregalejo ang naarestong mga suspek na sina Marvin Cruz, 42, Jefferson Ore, 27, kapwa ng Brgy. Gen. […]