De Lima kay ex-Pres. Duterte; ‘May God Forgive him’
- Published on November 15, 2023
- by @peoplesbalita
IPINAPASA-DIYOS na lamang ni dating Senador Leila De Lima ang mga atake at paninira sa kaniya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi nito na pinag-uusapan pa ng kaniyang mga abogado ang maaring maisampa laban sa nakaraang administrasyon na siyang dahilan kung bakit ito nakulong.
Sa ngayon aniya ay nanamnamin niya muna ang pagiging malaya at ayaw niya munang pag-usapan ang pulitika.
Magugunitang pinayagan ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 206 ang motion for reconsideration na siya ay makapagpiyansa.
Naging kritiko kasi ang dating senador ng dating Pangulong Duterte sa kampanya nito sa iligal na droga kung saan marami ang nasawi.
Taong 2017 na maaresto ang dating senador matapos na akusahan siya ni Duterte ng pagpapatakbo ng iligal na droga sa New Bilibid Prison. (Daris Jose)
-
Red-Scare o Red-Tagging sa mga nag-organisa itigil na!
“Kumuha ayon sa pangangailangan, magbigay batay sa kakayahan”. Yan ang motto ng Maginhawa Community Pantry at ilan pang katulad nito na tinatangkilik ng mga nangangailangan at nagbibigay ng pangangailangan. Maraming natutulungan at tumutulong. Pero nabalot sa kontrobersya nang nag post sa official FB ng Quezon City Police District ng pag “red-tag” sa mga […]
-
PBA website na-hack din
PINAKABAGONG na-hack ang Philippine Basketball Association (PBA) website na pba.ph makaraan ang ilan sa mga site ng pamahalaan kamakalawa o nitong Linggo. Sinamsam ng pakialamerong grupong nagpakilalang Phantom Troupe ang mga ang mga personal na impormasyon ng mga basketball player at manager. Ipinahayag ng mga hacker na nahirapan silang pasukin ang online ng propesyonal na […]
-
Aplikasyon ng special permits sa pagbiyahe sa Kuwaresma, bukas na – LTFRB
BUKAS na ang pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board para sa special permits para makabyahe sa kasagsagan ng holidays ngayong taon tulad ng Mahal na Araw, All Saints day, All Souls Day, at Pasko. Tatanggap ang LTFRB hanggang Marso 13 ng mga aplikasyon para sa special permits sa Mahal na Araw, […]