DEACTIVATED VOTERS MAGPAREHISTRO ULIT
- Published on September 18, 2021
- by @peoplesbalita
NANAWAGAN ang Commission on Elections (Comelec) sa mga deactivated voters na i-renew ang kanilang registration bago ang deadline sa September 30.
Ginawa ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon ang apela sa higit anim na milyong botante na deactivated na ang kanilang registration dahil sa hindi pagboto ng magkasunod na halalan.
“To reactivate, there is no need to personally appear at the Comelec office. You can do it through sending an email to your respective Election Officers,” sinabi ni Guanzon sa Laging Handa briefing.
Ayon kay Guanzon, ang email addresses ng lahat ng opisina ng Election Officer ay makikita sa Comelec website.
Noong July, iniulat ng Comelec na higit sa 600,000 deactivated voters ang muling nagparehistro upang makalahok sa darating na halalan.
Ilang mambabatas naman ang humihirit pa na palawigin ang voter registration dahil na rin sa pagkakasuspinde ng ilang beses dahil sa mga ipinatutupad na quarantine classifications sa National Capital Region (NCR) at iba pang bahagi ng bansa.
-
Kung hindi naging isa sa singer ng SB19: STELL, malamang nagwo-work sa barko bilang isang cook
EXTRA special daw ang GMA Gala 2024 on July 20 para sa JulieVer loveteam nila Julie Anne San Jose at Rayver Cruz dahil iyon din ang 35th birthday ng actor. “Tumama on Ray’s birthday kaya parang big celebration iyon for him. May instant birthday party siya na star-studded pa,” tawa ni Julie. […]
-
Tyson Fury napanatili ang WBC heavyweight crown sa panalo vs Dillian Whyte sa harap ng 94,000 record fans
NAPANATILI ni Tyson Fury ang pagiging World Boxing Council (WBC) heavyweight champion matapos pabagsakin sa sixth round si Dillian Whyte sa harap ng 94,000 fans na nanood sa Wembley Stadium sa London. Ang naturang crowd ay record breaking bilang highest attendance sa isang boxing match sa Europe at pinakamarami sa buong mundo. […]
-
Magwo-world premiere na ngayong September: First teaser ng ‘Start-Up PH’ nina ALDEN at BEA, umani agad ng maraming views
UMANI agad ng maraming views ang first teaser ng “Start-Up PH” after ipalabas ito sa Chika Minute ng “24 Oras” last Wednesday, August 17. Ang bagong serye ay first-ever adaptation of a breakthrough K-drama sa Philippine television, na magtatampok sa Asia’s Multimedia Star, Alden Richards, and multi-awarded actress and box office icon na […]