• May 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Death toll sa PH dahil sa deadly virus lampas na 26,000

Mahigit pa rin sa 5,000 ang panibago na namang naitalang bagong nadagdag na dinapuan ng virus sa Pilipinas.

 

 

Sa report ng Department of Health (DOH) nakapagtala sila ng 5,204 na mga karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa.

 

 

Mas mababa ito ng bahagya kumpara sa nakalipas na Linggo.

 

 

Dahil dito ang kabuuang bilang ng mga kaso na sa bansa mula noong nakalipas na taon ay nasa 1,478,061 na.

 

 

Gayunman merong walong laboratoryo ang bigong makapagsumite ng kanilang mga datos sa DOH.

 

 

Sa ngayon meron namang mga aktibong kaso ng COVID sa bansa nasa 49,128 o mga nagpapagaling pa.

 

 

Sa kabila nito marami naman ang bagong mga gumaling na nasa 5,811.

 

 

Kaya naman ang kabuuan ng mga nakarekober sa bansa ay nasa 1,402,918.

 

 

Samantala, nasa 100 namana ng mga bagong namatay.

 

 

Ang death toll ngayon sa bansa mula noong nakaraang taon ay nasa 26,015 na.

 

 

“Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.3% (49,128) ang aktibong kaso, 94.9% (1,402,918) na ang gumaling, at 1.76% (26,015) ang namatay,” ayon pa sa DOH statement.

Other News
  • DOJ pinag-aaralan ang legal na kaharapin ni VP Duterte sa mga pahayag nito

    PINAG-AARALAN ng Department of Justice ang legal na maaring kaharapin ni Vice President Sara Duterte dahil sa mga pahayagnito laban kay namayapang si dating pangulong Ferdinand Marcos Sr.     Ayon kay DOJ Secretary Crispin Remulla, na kanilang pinag-aaralan ang legal na aspeto dahil maaaring mayroong nalabag sa moral na prinsipyo.     Giit pa […]

  • Mga kaso ng COVID-19 sa bansa, posibleng bumaba – OCTA

    INAASAHAN ng OCTA Research group ngayong araw na magkakaroon ng pagbaba sa bilang mga kaso ng COVID-19 sa bansa.       Sa kabila ito ng sunud-sunod na araw na nakapagtala ng nasa mahigit dalawang libong bilang ng mga kaso ng nasabing virus sa bansa.       Sa isang panayam ay sinabi ni OCTA […]

  • P300-B loan ng Duterte gov’t sa BSP, fully paid na – DOF

    BINAYARAN na umano ng “buo” ng pamahalaan ang natitirang P300 bilyon na provisional advances sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nitong araw.     Mas maaga kaysa sa petsa ng maturity na June 11 ayon sa Department of Finance (DOF).     Ito ay alinsunod na rin sa layunin ni Finance Secretary Carlos Dominguez III […]