DEDMA SA SRP, KULONG
- Published on March 4, 2020
- by @peoplesbalita
KAHIT na may ipinatutupad na suggested retail price (SRP) sa baboy, manok at iba pang agricultural products, may mga vendor sa Metro Manila ang napag-alamang hindi sumusunod.
Gayunman, ayon sa Department of Agriculture (DA), bibigyan pa rin ng pagkakataon ang mga nagtitinda na makapagpaliwanag kung bakit mas mataas ang kanilang presyo lalo na sa baboy.
Batay sa itinakda ng ahensiya ng gobyerno na nauna nang inilabas, P190 per kilo ang SRP para sa pigue at kasim ng baboy, P130 per kilo sa fully dressed chicken, P162 per kilo sa bangus, P120 per kilo sa tilapia at P130 per kilo sa galunggong.
Nagtakda rin ng SRP para sa bawang na P70 kada kilo para sa imported at P120 kada kilo para sa local; P95 kada kilo naman ang pulang sibuyas at P50 kada kilo ang refined sugar.
Babala sa mga susuway, sa ilalim ng Price Act, ang mga magmamanipula sa presyo ng mga produktong pang-agrikultura ay mahaharap sa parusang pagkakakulong at multa.
Tama lang na may SRP lalo na sa mga pangunahing bilihin, sa pamamagitan nito ay napoprotektahan ang mga mamimili mula sa mga abusado.
Pero, paano naman ang mga tindero na umaaray sa presyo na kanilang nakukuha mula sa kanilang mga supplier?
Madalas na reklamo lalo na ng maliliit na negosyante ay kung paano nila maipapasa ang produkto sa itinatakdang presyo kung sila naman ang malulugi?
Kaya mainam talagang magkaroon din ng pag-uusap sa pagitan ng mga opisyal ng gobyerno, mga negosyante at vendor at sana ay magkaroon din ng kinatawan ang mga konsiyumer para naman may direktang kaalaman sa kung paano nagtatakda, nagtataas o nagbababa ng presyo ng mga bilihin.
-
Hero’s welcome kay Yulo ikinakasa sa Maynila
NAGHAHANDA na ang mga Manileño sa gagawing hero’s welcome para kay Carlos Edriel “Caloy” Yulo makaraang masungkit nito ang gold medal sa men’s artistic gymnastics floor exercise sa Paris 2024 Olympic nitong Sabado. “Manileño po si Caloy Yulo. Taga-Leveriza. Kaya sobrang proud at happy po kami para sa kanya,” pahayag ni Manila 3rd […]
-
Espiritu aminadong umaalingasaw trade
INAMIN ng tatlong agent-manager ng mga player na bukas lahat ang 12 team sa mga palitan ng mga manlalaro bilang pagpapalakas para sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 Philippine Cup sa darating na Abril 9. Nagkakaisa sa pahayag sina veteran agent-manager Danny Espiritu, Charlie Dy, at Ed Fonceja ,na anila’y lahat ng mga […]
-
Pagrampa ni SANYA na naka-red bikini sa ‘First Yaya’, nag-top trending sa YouTube
NAG–ENJOY ang netizens sa panonood ng romantic-comedy series na First Yaya, sa episode na nagpapakita kay Sanya Lopez, wearing a red-bikini habang rumarampa bilang si Yaya Melody, at nganga lahat ng mga nakakita sa kanya. Nag-top trending iyon sa YouTube at ilang oras lamang after nai-showing ay umani na ito ng more than […]