Dela Pisa, Labanan dumale ng silver medal sa Budapest
- Published on March 3, 2021
- by @peoplesbalita
PAREHONG sumungkit ng silver sina national women’s artistics gymnasts Daniela Dela Pisa at Breanna Labadan sa kawawakas na Gracia Cup Budapest sa Hungary.
Sang-ayon nitong Martes kay Gymnastics Association of the Philippines (GAP) president Cynthia Carrion, ang partisipasyon ng dalawang atleta sa torneo nitong Pebrero 19-20, ang bahagi ng paghahanda nila para sa 31st Southeast Asian Games 2021 sa Hanoi, Vietnam sa darating na Nobyembre 23-Disyembre 2.
Pumangalawa si Dela Pisa, 17, sa women’s apparatus event na Clubs, habang si Labadan, 14, sa women’s Ball kung saan sinuportahan ang dalawang manlalaro ng Philippine Sports Commission (PSC). (REC)
-
Bagsik ng Gilas Pilipinas ilalabas sa FIBA Qualiiers
Sa kabila ng batang lineup, asahan ang isang palabang Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup Qualifiers na aarangkada bukas sa Manama, Bahrain. Bahagi ng program ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang magpadala ng batang lineup sa mga international tournaments. At naniniwala ang lahat na hindi bibiguin ng Gilas Pilipinas ang buong sambayanan […]
-
Ads December 16, 2020
-
Ads May 10, 2024