• April 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Delivery rider, tiklo sa pagnanakaw ng motor at tangkang pangongotong

ARESTADO ang isa sa dalawang kawatan ng motorsiklo nang tangkain kikilan pa ang biktima kapalit ng pagtuturo sa kinaroroonan ng kanyang motorsiklo sa Valenzuela City.nnAyon kay Valenzuela Police Chief P/Col. Nixon Cayaban, nahaharap sa kasong paglabag sa New Anti-Carnapping Act of 2016 at Attempted Robbery Extortion ang suspek na si alyas “Mark”, 33, delivery rider ng Malolos, Bulacan habang tinutugis pa ang kasabuwat niyang si alyas “Baning” ng Muzon, San Jose Del Monte, Bulaca.nnSa ulat ni Col. Cayaban kay Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Josefino Ligan, ipinarada sandali ng biktimang si alyas “Eldrin”, 33, sa harap ng kanilang bahay sa Brgy. Karuhatan alas-5 ng madaling araw ang kanyang Yamaha Aerox na motorsiklo para kuhanin ang nalimutan niyang gamit.nnNang pagbalik niya, nakita ng biktima na sinakyan na ang kanyang motorsiklo ng isang lalaki at pinaandar kaya tinangka niyang humabulin subalit. hinarang siya ni alyas Mark na sakay ng Yamaha NMAX at pinakitaan ng baril.nnSa takot, hindi na siya humabol at sa halip ay humingi siya ng tulong sa kanyang mga kaibigan sa pamamagitan ng pag-post sa kanilang group chat hinggil sa pangyayari.nnIlang oras lang ay may nag-mensahe na sa kanya na nagpakilalang Francis Cohh na humihingi ng P13,000 na kalaunan ay ibinaba sa P10,000 kapalit ng pagtuturo sa kinaroroonan ng kanyang motorsiklo at ipinadala pa sa biktima ang video ng kanyang motorsiklo at mga dokumento.nnKaagad humingi ng tulong sa mga tauhan ni Col. Cayaban ang biktima na nagresulta sa pagkakadakip kay alyas Mark nang tangkain i-cash out ang pera na ipinadala ni “Eldrin” at nakumpiska sa kanya ang gamit na motorsiko at cellular phone. (Richard Mesa)

Other News
  • LTO suportado ang deklarasyon ng DA ng National Food Emergency dahil sa isyu ng supply ng bigas

    BILANG suporta sa deklarasyon ng Department of Agriculture (DA) ng national food emergency dahil sa isyu ng suplay ng bigas, inatasan ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II ang lahat ng Regional Director at pinuno ng law enforcement units na magbigay ng tulong sa mga cargo truck na naghahatid ng […]

  • BIANCA, mas demanding ang role bilang isa sa ‘Legal Wives’ ni DENNIS kumpara sa ‘Sahaya’

    MARAMI nang naghihintay kay Bianca Umali sa bago niyang GMA Telebabad family drama series na Legal Wives.      Hinangaan ng mga televiewers noon ang pagganap ni Bianca ng isa ring family drama series na Sahaya na tungkol din sa kultura ng mga Muslim, si Sahaya sa gitna ng mga hirap na pinagdaanan niya ay […]

  • Gobyerno dapat maghanap ng bagong ‘funders’ kasunod ng pag-atras ng China sa big-ticket railway project – Salceda

    MARAMI pang mga ospyon ang gobyerno para mapondohan ang big-ticket railway projects. Ito’y matapos umatras ang China na pondohan ang nasabing proyekto.     Ayon kay House Ways and Means Chair at Albay 2nd District Representative Joey Salceda na hindi na kailangan pa na i- persuade ang China para tulungan tayo uli bagkus maghahanap na […]