Delta variant ‘dominanteng’ uri na ng hawaan ng COVID-19 sa Pilipinas — WHO
- Published on September 2, 2021
- by @peoplesbalita
Karamihan na sa mga nagkakahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas ay dahil sa mas nakahahawang Delta variant, pagkukumpirma ng kinatawan ng World Health Organization sa Pilipinas kahapon, Martes.
Bagama’t mas nakahahawa na sa karaniwan ang Alpha at Beta variants ng COVID-19, 60% na “mas transmissible” dito ang Delta variant, ayon sa pahayag ng Department of Health at Vaccine Expert Panel ng Department of Science and Technology.
“More than 70% of the current transmission is attributed to the Delta variant,” ayon kay WHO Philippine representative Dr. Rabindra Abeyasinghe, Martes.
“Let’s try to vaccinate many of the unprotected people as we can.”
Aniya, “most certainly” ay may community transmission na ng naturang variant sa Pilipinas.
Lunes lang nang umabot sa 22,366 ang bilang ng bagong mga kaso ng COVID-19 sa iisang araw lang, ang pinakamataas na pagtalon sa kasaysayan ng bansa.
Sa hiwalay na media briefing ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ngayong araw, lumalabas na halos swak ang obserbasyon ng DOH sa WHO.
“Since its detection in July, the Delta variant cases… showed steady increase and has already replaced the Beta… and the Alpha… variants as the most common lineage detected on each sequencing run,” banggit ni Vergeire kanina.
Aniya, “most certainly” ay may community transmission na ng naturang variant sa Pilipinas.
Lunes lang nang umabot sa 22,366 ang bilang ng bagong mga kaso ng COVID-19 sa iisang araw lang, ang pinakamataas na pagtalon sa kasaysayan ng bansa.
Sa hiwalay na media briefing ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ngayong araw, lumalabas na halos swak ang obserbasyon ng DOH sa WHO.
“Since its detection in July, the Delta variant cases… showed steady increase and has already replaced the Beta… and the Alpha… variants as the most common lineage detected on each sequencing run,” banggit ni Vergeire kanina.
“This coincides with the start of a steeper rise in the number of cases in July, similar to what we saw previously at the start of our April tick in cases with the spread of the Alpha and the Beta variants.”
Kasalukuyang nasa “high risk” classification pagdating sa COVID-19 ang buong Pilipinas, kasama na ang mga rehiyon ng:
- National Capital Region
- Region 4A
- Region 2
- Cordillera Administrative Region
- Region 3
- Region 10
- Region 1
- Region 7
- Region 11
- Region 6
- Region 12
- Caraga
Una nang lumabas sa projections ng kagawaran na posibleng umabot sa 333,000 aktibong cases ang maitatala sa Metro Manila lang ngayong Setyembre kung anim na linggong modified enhanced community quarantine ang ipatutupad at walang improvements sa sa vaccinations, pagsunod sa protocols at detection to isolation.
Sumatutal, umabot na sa 1.97 milyon ang tinatamaan ng naturang virus sa Pilipinas, ayon sa mga datos ng DOH kahapon. Sa bilang na ‘yan, patay na ang 33,330.
-
Standing ng Pilipinas sa buong mundo ukol sa usapin ng case fatality rate dahil sa COVID-19, tumaas
TUMAAS ang standing ng Pilipinas sa ranking ng World Health Organization at Johns Hopkins kung pag- uusapan ay case fatality rate. Sa isinagawang presentasyon ni Presidential spokesperson Harry Roque ay makikitang umangat sa 2.2 ang case fatality ng bansa. Ani Sec. Roque, mula 67 ay nasa 60 na ngayon ang puwesto ng Pilipinas […]
-
Panawagan ni ex-PRRD sa AFP na kudeta vs Marcos admin isang iresponsable at garapalang panawagan – ES Bersamin
TINAWAG ng Malakanyang na isang garapalang panawagan na mag kudeta ang Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa Marcos administration at talikuran ang kanilang sinumpaang tungkulin, para lamang umupo sa pinakamataas na pwesto ang anak nito na si VP Sara Duterte. Ito ang tahasang pahayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin kasunod […]
-
Balik-tambalan, ‘gift’ nila sa mga fans at supporters: MAJA, inaming si RK lang ang naisip na maging partner sa ‘Oh My Korona’
NGAYONG Sabado, Agosto 6 mapapanood na isang kakaibang sitcom na magpapakita ng mga kuwelang eksena sa buhay ng mga showbiz hopefuls na nakatira sa ilalim ng iisang bubong. Inihahandog ito ng Cignal Entertainment at Crown Artist Management, ang Oh My Korona na pinagbibidahan ng versatile actress at Majestic Superstar ng TV5 na si […]