Delta variant umabot na sa Taguig
- Published on July 21, 2021
- by @peoplesbalita
Kinumpirma kahapon ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig na umabot na sa kanila ang pinangangambahang Delta variant ng COVID-19, base sa resulta ng pagsusuri sa mga samples ng COVID-19 patients.
“May isa po tayong kaso ng Delta variant o iyong nanggaling sa India,” ayon kay Clarence Santos, pinuno ng Taguig Safe City Task Force base sa ulat ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CEDSU).
Nagbabala naman si City Mayor Lino Cayetano na maaaring maging dominanteng variant ang Delta kaya kailangan maging responsable ang bawat isa para malabanan ito.
“Wear your masks, face shield and (keep your) distance so that the Delta variant will not spread. This is more contagious and it has a higher percentage of being hospitalized. Another important weapon against the Delta variant is vaccination,” panawagan ni Cayetano.
Nitong Hulyo 12, mayroon nang 73 kaso ng COVID-19 variants sa lungsod kabilang dito ang isang kaso ng Delta, 26 na Alpha variants, at 46 na kaso ng Beta variants. (Gene Adsuara)
-
Ads November 16, 2023
-
Knockout asam ni Jerusalem
NATUPAD na ang pangarap ni Filipino world boxing champion Melvin Jerusalem na lumaban sa harap ng kanyang mga kababayan. Ang kulang na lamang ay ang kanyang panalo. Idedepensa ni Jerusalem ang suot niyang World Boxing Council (WBC) minimumweight crown laban kay Mexican mandatory challenger Luis Angel Castillo sa Manny Pacquiao Presents: […]
-
Titans are emerging from Hollow Earth as “Godzilla x Kong: The New Empire” exhibit at the SM Mall of Asia Music Hall, open to the public until April 6
A portal has opened, and the Titans of Godzilla x Kong: The New Empire have arrived. Mall-goers can get to meet the legendary Kong and the fearsome Godzilla in the “Titans Emerge” exhibit at the SM Mall of Asia Music Hall, which opens to the public from the evening of March 25 until April 6. […]