Deltacron binabantayan ngayon ng Philippine Genome Center matapos na ma-detect sa Amerika at Europa
- Published on March 12, 2022
- by @peoplesbalita
Binabantayan ngayon ng Philippine Genome Center ang bagong variant ng COVID-19 na Deltacron.
Ito ay matapos na mapaulat na kumpirmadong na-detect ito sa 17 mga pasyente mula sa Amerika at Europa.
Ang Deltacron ay taglay ang magkahalong katangian ng Delta at Omicron variant ng COVID-19.
Sa ngayon ay naghihintay pa ng guidelines mula sa World Health Organization (WHO) ang pamahalaan hinggil dito.
Sinabi naman ni Health Secretary Francisco Duque III na sa kasalukuyan ay wala pang malinaw na katangian ang deltacron kung kaya’t hindi pa malaman kung mabilis itong makakahawa.
Samantala, tiniyak naman ng kalihim na patuloy ang pakikipag-ugnayan nito sa mga kinauukulan bilang paghahanda at upang mapigilan ang posibleng pagpasok nito sa Pilipinas.
-
Ads February 20, 2024
-
Cusi, gustong madaliin ang implementasyon ng strategic oil reserve plan- Abad
NAGBIGAY na ng kanyang marching order si Department of Energy (DoE) Secretary Alfonso Cusi na madaliin ang implementasyon ng strategic petroleum reserve plan ng departamento. Ito ang oil buffer stock ng pamahalaan na magpapagaan sa epekto ng pagtaas ng presyo sa domestic market. Sinabi ni DOE-Oil Industry Management Bureau Director Rino […]
-
Warriors nakaganti sa Game 2 ng NBA Finals matapos ilampaso ang Boston Celtics, 107-88
NAKAGANTI ngayon ang Golden State Warriors sa Game 2 ng NBA Finals matapos ilampaso ang Boston Celtics, 107-88. Dahil dito tabla na ang serye sa tig-isang panalo. Sa pagkakataong ito hindi na nagpabaya pa ang Warriors kung saan mula sa first quarter hanggang sa 4th quarter ay hindi na binitawan pa […]