Dengue cases tuloy sa pagsirit
- Published on September 1, 2022
- by @peoplesbalita
PATULOY ang pagtaas ng mga kaso ng dengue sa bansa nang maitala na ito sa 118,785 mula Enero 1 hanggang Agosto 13, ayon sa Department of Health (DOH).
Mas mataas ito ng 143% kumpara sa mga naiulat na kaso sa parehong period noong 2021 na nasa 48,867 lamang noon, ayon kay DOH officer-in-charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Pinakamaraming naiulat na kaso ng dengue sa Region III na may 21,247 kaso o 18%, kasunod ang Region VII na may 11,390 kaso o 10% at ikatlo ang National Capital Region na may 11,064 o 9%.
Mula nitong Hulyo 17 hanggang Agosto 13, nasa 19,816 kaso ng dengue ang naitala kung saan pinakamataas sa Region 3 na may 3,457, kasunod ang NCR na may 3,131 at CAR na may 2,106 kaso.
Nabatid rin na anim sa 17 rehiyon sa bansa ang lumagpas na sa ‘epidemic threshold’ sa nakalipas na apat na linggo. Kabilang dito ang Regions II, III, CALABARZON, MIMAROPA, CAR, at NCR. (Daris Jose)
-
Malakanyang, ginagalang ang “fine remarks” ni US President Donald Trump
GINAGALANG ng Malakanyang ang naging pahayag ni US President Donald Trump sa naging hakbang ng pamahalaan na ipawalang bisa na ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa Amerika. Batay sa naging pahayag kasi ng US President, kung yun aniya ang pasiya ng pamahalaang Pilipinas, maraming salamat na lang at makakatipid pa sila ng malaki. […]
-
Nadal natapos na ang kampanya sa Olympics matapos talunin ni Djokovic
NATAPOS na ang kampanya ni Rafael Nadal sa Paris Olympics matapos talunin siya ni Novak Djokovic sa second round. Sa simula pa lamang ng laro ay ipinamalas ni Djokovic na dominado nito ang laban at nakuh aang 6-1, 6-4 na panalo. Ito na ang itinuturing na huling […]
-
PDU30, inanunsyo na ang pagreretiro sa pulitika
INANUNSYO na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang pagreretiro sa pulitika. Ang pahayag na ito ng Pangulo ay isinagawa ilang minuto matapos maghain ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) si Senador Bong Go. “In obedience to the will of the people who after all placed me in the presidency many years ago […]