• July 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DENNIS at JENNYLYN, mas naalagaan sina JAZZ at CALIX habang naka-quarantine

NOONG magbalik-taping si Dennis Trillo para sa GMA anthology na I Can See You: Truly, Madly, Deadly, naisip ng aktor na i-donate ang bahagi ng kanyang talent fee sa production crew ng show.

 

Maagang Pamasko ito ni Den- nis para sa kanila dahil sa ilang buwan silang nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.

 

“Sila talaga ‘yung babad sa trabaho. Sila ‘yung pinakamaagang gumigising at bukod du’n, sila pa rin ‘yung pinaka-late na natutulog.

 

“Kumbaga para sa akin, artista, sila na ‘yung pinakamagaan na trabaho sa set, e. So, para maibalik lang ba ‘yung gratitude tsaka ap- preciation sa lahat ng mga trabaho at ginagawa nila,” sey ni Dennis.

 

Sa ilang buwang community quarantine ay nagkaroon ng pagkakataon si Dennis at ng girlfriend na Jennylyn Mercado na mas maalagaan ang kanilang mga anak na sina Jas at Calix.

 

“Siyempre magkakasama kayo palagi, ‘yung bond n’yo sa isa’t isa tumitibay. Mas marami kayong chance na mag-spend ng oras sa isa’t isa. Kaya kahit papano, kahit malungkot itong mga panahon na ‘to, mina-maxi- mize pa rin namin ‘yung brighter side of things, brighter side of life.” (RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • LTFRB, nakatakdang dinggin ang hirit ng transport group na taas-singil

    NAKATAKDANG dinggin ng Land Transportation and Regulatory Board ang hirit ng mga transport group na pagtaas sa sinisingil na pamasahe.     Ayon kay LTFRB Chairperson Atty. Teofilo Guadiz III, nais nilang matukoy sa mga isasagawang pagdinig ang merito ng kahilingan ng mga operators at drivers.     Ito ay upang makita kung pagbibigyan ba […]

  • Pangunguna ni VP Leni sa isang Presidential survey para sa 2022 elections, wishful thinking lang-Malakanyang

    PARA sa Malakanyang, wishful thinking lang ang lumabas sa isang presidential survey para sa 2022  elections kung saan nanguna si Vice President Leni Robredo.   Batay kasi sa PiliPinas 2022 Online Survey Platform for Presidential Candidates, nanguna si Robredo makaraang makakuha ng 34.27 percent na boto, pangalawa si Davao City Mayor Sara Duterte na may […]

  • Ads April 5, 2022