DENNIS, tuloy na ang pag-attend sa Venice International Film Festival para na movie na official Philippine entry
- Published on August 31, 2021
- by @peoplesbalita
ITALY bound na si Kapuso Drama actor Dennis Trillo since tapos na tapos na ang primetime series niyang Legal Wives, kaya walang problema.
Tuloy na ang pag-attend niya ng Venice International Film Festival, na official Philippine entry doon ang movie niyang On The Job: The Missing 8 directed by Erik Matti.
Mami-miss nga lamang ni Dennis ang anak na si Calix at ang girlfriend na si Jennylyn Mercado. Kahit gusto niyang isama si Jennylyn sa Venice, hindi pwede dahil magsisimula nang mag-lock-in taping ang actress ng bago nitong serye sa GMA Network ng Love. Die. Repeat.
Si Jennylyn ang unang actress na makakatambal ng bagong Kapuso actor na si Xian Lim, after nitong mag-sign ng contract sa network last Friday, August 27.
Meanwhile, simula ngayong gabi, August 30, bago na ang schedule ng GMA Telebabad. Mauuna nang mapanood ang Legal Wives nila nina Alice Dixson, Andrea Torres at Bianca Umali.
Kasunod ang Endless Love nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, na susundan ng pilot episode ng K-Drama series, ang The Penthouse 2.
***
NAKABALIK na si Kapuso actress Heart Evangelista after a few days niya sa Los Angeles, California, with a friend.
Bumisita siya sa office ng Vogue Magazine at may kinausap siya para sa isang project na gagawin niya, pero wala pang final silang usapan. Pero dusa kay Heart ang pagbalik niya sa bansa na naka-quarantine siya for 10 days sa Marriott Hotel in Pasay City bilang pagsunod sa health protocols sa mga bumabalik mula sa ibang bansa.
Sa kanyang Instagram post, sinabi niyang wala siyang Covid-19 tulad nang akala ng iba, nag-develop daw lamang ang anxiety niya nang mag-isa na lamang siya sa room niya sa hotel.
Iyon daw lagi ikinatatakot niya kaya hindi siya makapag-travel na mag-isa, ayaw niya ng walang kasama.
“Those asking… I’m in quarantine since I came from LA. I don’t have covid just feel like I’m drowning and suffocated when I’m in closed spaces for a long time. I’ve been crying all the whole day.”
Sa pagbalik ni Heart sa lock-in taping nila ng I Left My Heart in Sorsogon, ng GMA-7, siguro naman ay malilibre na siya sa quarantine. Pero ganito ang dinaranas ng mga artistang may mga ginagawang serye ngayon, kaya ang iba ay mas gusto ang diretsong taping, dahil kapag nag-break sila ng ilang araw, pagbalik nila ay dadaan muna sila sa process ayon sa IATF, kukuha muna sila ng anti-gen test, kapag negative, papasok na sila sa quarantine ng ilang araw.
Bago sila tuluyang pumasok sa lock-in taping, may swab test muna sila at kapag negative, saka pa lamang sila pwedeng magtrabaho.
Ilang araw pa kaya ang taping ng serye nila nina Richard Yap, Paolo Contis, Kyline Alcantara at Mavy Legaspi sa direksyon ni Don Michael Perez?
***
NAG-SIGN muli ng exclusive contract si Mikael Daez sa GMA Network, na nasa 11th year na siya as a Kapuso.
Hindi raw muna sila tuloy ng wife niyang si Megan Young na mag-stay na sa Subic, Zambales dahil may pumasok silang bagong project, as host ng new singing competition ng GMA Network, ang Sing for the Heart at mas madali sa kanila na nasa Manila lalo na kung may pandemic pa rin tayo.
(NORA V. CALDERON)
-
17-anyos football player ng Miriam College, namatay dahil sa COVID-19
Patay matapos dapuan ng coronavirus ang 17-anyos na football player ng Miriam College na si Yana Bautista. Kinumpirma ito ng kaniyang kapatid na miyembro ng Philippnie women’s national football team. Sinabi nito na unang nadiagnosed ito ng Acute Disseminated Encephalomyelitis (ADEM) hanggang nagkaroon ng kumplikasyon sa COVID-19. Agad itong dinala sa intensive […]
-
POGO probe tatapusin na ng Senado
UPANG hindi malihis ang imbestigasyon, iginiit ni Sen, JV Ejercito na tapusin na ang pagdinig na ng Committee on Women, Children, Family Relations at Gender Equality sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO). Sinabi ni Ejercito na iminungkahi niya kay Sen. Risa Hontiveros, chair ng komite na tapusin na ang pagdinig dahil nagiging talkshow […]
-
Comelec walang kapangyarihan na tumanggi sa voter registration extension – Lagman
Binigyan diin ni Albay Rep. Edcel Lagman na hindi maaring tumanggi ang Commission on Elections (Comelec) sa extension ng voter registration process. Sa ilalim kasi aniya ng iniakda niyang batas, ang Republic Act No. 8189 o “The Voter’s Registration Act of 1996,” mayroong hanggang Enero 9, 2022 ang poll body para isagawa ang […]