• April 27, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DENNIS, umaasa na matutuloy pa ang naudlot na project nila ni JOHN LLOYD; ANDREA, fan ng magaling na aktor

MATAGAL na palang gusto ni Kapuso actress Andrea Torres makatrabaho si Dennis Trillo, at inamin niyang fan siya ng Kapuso Dramatic Actor. 

 

 

Kaya ang saya-saya niya nang i-offer sa kanya ang isa sa tatlong mapapangasawa ni Dennis sa first GMA Cultural Drama series na Legal Wives.

 

 

Pero hindi raw biro ang pag-aaral nilang ginawa sa kani-kanilang character, ayon kina Dennis at Andrea nang ma-interview sa ‘Chika Minute’ ng 24 Oras.

 

 

   “Hangang-hanga ako kay Dennis,” sabi ni Andrea.

“Sa pagbigkas niya ng dialogues bilang isang Mranaw, hindi mo iisipin si Dennis ang kausap mo.”

Inamin naman ni Dennis na talagang sineryoso niya ang kanyang character at kung paano siya aarte bilang isang Mranaw.

Natanong si Andrea tungkol sa possibility na magtambal sila ni John Lloyd Cruz sa isang sitcom na ipu-produce ni Willie Revillame for GMA Network.

“Nagulat ako kasi, isa rin si John Lloyd sa hinahangaan kong actor at sino ba ang aayaw na makasama siya,” sagot ni Andrea.

“Pero as of now, wala pa namang kumakausap sa akin, nabasa ko lamang ang tungkol doon.”

    “May isa rin sana kaming project na pagsasamahan ni John Lloyd noon, pero hindi natuloy,” sabi naman ni Dennis.

“Pero open pa rin iyon, hopefully magawa pa rin namin,”

 

 

***

 

MAY special role palang gagampanan si actor-politiican Alfred Vargas sa upcoming GMA Primetime cultural drama series na Legal Wives.

 

 

Pero pumasok pa rin siya sa ilang araw na lock-in taping na requirement sa bawat member ng cast na sumunod sa health protocols.

 

 

Gaganap si Alfred sa role ni Nasser Macadato, kapatid ni Ismael, na gagampanan ni Dennis Trillo.  Si Nasser din ang unang asawa ni Amirah, played by Kapuso actress Alice Dixson. 

 

 

As per Alfred’s Instagram post, ang bumubuo ng Macadato Family ay sina Dennis, Alfred, Al Tantay, Bernard Palanca, at si Shayne Sava na anak nina Alfred at Alice.

 

 

Kahit ilang araw lamang ang lock-in taping ni Alfred, in-enjoy din niya ito, dahil pag break sila sa eksena, work and play daw sila ng mga co-actors niya na nagba-bike sa loob ng location nila sa isang beach resort sa Laguna.

 

 

Ang Legal Wives ay tungkol sa isang kakaibang pamilya kung saan pakakasalan ng isang lalaking Mranaw (Dennis) ang tatlong magkakaibang babae para sa iba’t ibang kadahilanan.

 

 

Mukhang maraming matutunan ang mga viewers ng teleserye sa kulturang Mranaw sa direksyon ni Zig Dulay.

 

 

NABITIN ang mga televiewers noong Sunday, May 30, nang hindi natapos ang supposedly ay grand finals na ng Centerstage, hosted by Alden Richards with Betong Sumaya.

 

 

Pero natuwa rin ang mga netizens na na-extend pa ng another week ang grand finals. Malalaman na kung sino ang Top 2 na  maglalaban sa finals, mula kina Rain Barquin, Colline Salazar, Vianna Ricafranca at Oxy Dolorico. 

 

 

Ano kaya ang magiging desisyon ng mga Bida Voters at Centerstage Judges na sina Pops Fernandez, Aicelle Santos at Direk Mel Villena?

 

 

Last Sunday, nasorpresa ang apat na finalists nang makatanggap sila ng tig-iiisang laptop na pwede nilang magamit sa online school.

 

 

Abangan sila ngayong Sunday, June 6, 7:40PM, mula sa kani-kanilang tahanan, kasama ang kanilang mga parents, kung sino ang magiging first Centerstage Grand Champion na tatanggap ng cash prizes at isang brand new house mula sa Bria Homes.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • ‘Hackers’, ninakaw ang COVID-19 vaccine data ng Pfizer-BioNTech – report

    Inamin ng mga kompanyang Pfizer at BioNTech na na-hack ang kanilang mga dokumento na may kinalaman sa dinevelop nilang bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19).   Batay sa ulat ng Reuters, sinasabing napasok ng hackers ang regulator na European Medicines Agency (EMA), na responsable sa pagbibigay ng approval sa mga gamot at bakuna sa European […]

  • Biktima ng trafficking pinigil ng kanyang employer dahil sa utang

    ISANG babaeng biktima ng human trafficking ang pinabalik ng bansa sa Zamboanga International Seaport matapos na puwersahang illlegal na pinagtatrabaho na walang mga dokumento bilang entertainer sa isang club sa Malaysia.     Kinilala ang biktima na si Sarah, 24, na umalis ng bansa noong February 2024 patungong Singapore bilang katulong sa isang pamilya na […]

  • PDu30, naniniwalang itutuloy ng Marcos admin ang laban kontra illegal na droga

    NANINIWALA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na gagawin ng kanyang successor, na si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang lahat ng makakaya nito para patuloy na labahan ang illegal na droga.     “Well, I trust that the next administration will also do its very best to confront itong drug[s],” ayon sa Pangulo sa kanyang […]