DENR INALMAHAN NG TRIBONG DUMAGAT SA LUMILIIT NG MINANANG LUPAIN
- Published on January 18, 2024
- by @peoplesbalita
BARAS, Rizal — May 800 na pamilya na kabilang sa tribong Dumagat ang umalma sa balak na palayasin sila sa kanilang minanang lupain na sakop ng mga bayan ng Tanay, Baras, at Antipolo.
Sa isang panayam, bilang pinuno ng grupong Dumagat-Remontado sa Barangay San Ysiro, binanatan ni Alex Bendaña ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) dahil sa kabiguan nitong protektahan ang Upper Marikina River Protected Landscape (UMRPL) at ang kanilang minanang lupain mula sa land grabbers na nagpapanggap na environmental advocates.
Sa ngalan ng isa sa pitong tribong Dumagat na naninirahan sa pinaka katimugang dulo ng kabundukan ng Sierra Madre, nagpahayag ng pagkatakot si Bendaña sa agresibong pagsisikap na paalisin sila sa kanilang tahanan sa harap ng mga hakbang na buwagin ang Indigenous Peoples’ Rights Act (IPRA).
“Nabalitaan namin na may nagsusulong sa Kongreso na i-abolish ang IPRA, yun na nga lang po tanging batas na kalasag ng mga katutubo tapos aalisin pa nila,” sabi ni Bendaña sa panayam. Nang tanungin kung anong partikular na lugar ang pinangangambahan nila, nagpahiwatig ang pinuno ng Dumagat-Remontado tungkol sa 13,000 ektaryang minanang lupaing malapit sa Marikina Upper Marikina River Basin Protected Landscape.
Nang hingan pa ng detalye, pinunto ni Bendaña ang malalaking istraktura sa loob ng parehong protektadong lugar ang watershed at ang kanilang lupain na nagbibigay duda sa pagbenta ng DENR.
“Nakakapagtaka nga lang po talaga kung paano nakakuha ng clearance sa DENR ‘yung mga may-ari ng naglalakihang mansyon at iba pang istraktura dito sa loob ng protected area,” sabi ni Bendaña at idinagdag pa nya ang pangangailangan ng pagpapatupad ng mga umiiral na batas kasama ang IPRA at Presidential Decree 324, na nagbaha-bahagi ng watershed para sa agroforestry.
Ipinakita ng mga talaan na ang UMRPL pa lang ay may mga 26,126 ektarya. Subalit, ang patuloy na pagkawasak ng kagubatan at habitat ay malawakan, na dulot ng illegal tree cutting, construction of residential subdivisions, at establishment of commercial establishments na epektibong pinaliit ang watershed area ng mga 408 ektarya kada taon. Sa minanang lupain ng Dumagat-Remontado, sinabi ng grupo na ang kanilang lupain ay binawasan ng mahigit kalahati kasunod ng Memorandum of Agreement (MOA) na pinasok ng dating yumaong DENR Secretary Gina Lopez sa Blue Star Construction and Development Corporation (pinangalanang Masungi Georeserve nang bandang huli) noong 2017. “Wala na po kaming pupuntahan kapag nawala pa ang IPRA. Kung meron man dapat gawin ang pamahalaan, repasuhin at palakasin ang IPRA. Hindi nila yan pwede ibasura kasi wala na kami mapupuntahan, hindi kami mabubuhay kung magpapakalat-kalat kami sa Maynila at magpapalipas ng gabi sa ilalim ng tulay.” (PAUL JOHN REYES)
-
Voters Registration, idinaos sa Kampo
IDINAOS noong Lunes ng Commission on Elections (Comelec) ang kauna-unahang voter registration sa loob ng Camp Darapanan at Camp Abubakar ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) . Pinangunahan ng mga opisyal ng Comelec sa pamumuno nina chair George Garcia at Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity Secretary Carlito Galvez Jr.ang pagbubukas ng dalawang araw […]
-
Engage na at malapit nang ikasal: KIM, binalikan pa rin si JERALD kahit tatlong beses nang naghiwalay
PARA sa marami ay tila napaka-perfect na ng relasyon ng magkasintahang Kim Molina at Jerald Napoles. Pero lingid sa kaalaman ng marami ay tatlong beses na silang naghiwalay noon. Lahad ni kim, “We broke up three times already. The first time, Rak of Aegis, tapos nagkabalikan kami. “The second time, after three months, sabi may three-month rule, […]
-
Mas mahigpit na immigration policies, posibleng maapektuhan ang 300k Filipino nationals na nasa US
TINATAYA ni Ambassador Romualdez na nasa 300,000 Filipino nationals, na karamihan na pumasok sa U.S. ng legal subalit nag-overstay lagpas sa kanilang visas ay posibleng maapektuhan ng mas mahigpit na immigration policies. Pinaalalahanan din nito ang mga kababayang Pinoy na piniling manatili sa US na kumuha o pumili ng abogado o counsel mula sa legitimate […]