• July 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Department of Tourism, nakikitang papalo sa 2.4 million ang overseas visitors arrivals sa katapusan ng 2022

NAKIKITANG papalo pa sa 2.4 million ang overseas visitors arrivals sa Pilipinas sa katapusan ng kasalukuyang taon ayon sa pagtaya ng Department of Tourism (DOT).

 

 

Kaugnay nito, sinabi din ni Tourism chief Christina Frasco na pinalakas pa ng DOT ang kanilang efforts para sa pag-promote ng Pilipinas sa ibat’ ibang mga bansa para makamit ang nasabing projection.

 

 

Sa datos ng DOT noong November 14, umaabot sa mahigit 2.02 million visitors arrivals sa bansa kung saan nasa mahigit 1.4 million o 73.43% dito ay mga banyagang turista habang nasa mahigit kalahating milyon o 26.57% ay overseas Filipinos.

 

 

Ito ay sumasalamin sa P100.7 billion halaga ng revenue o kita sa sektor ng turismo.

Other News
  • Gustong makakilala ng magiging inspirasyon: KYLIE, hindi na itinanggi na nakikipag-date na siya

    SA isang interview kay Kapuso actress Kylie Padilla, natanong kung may bago na siyang lovelife, at hindi naman tumanggi ang bida ng Bolera, na she is presently dating.     Biro pa niya, gusto naman niyang makakilala ng bagong pwedeng maging inspirasyon. At halata sa kanyang mga ngiti na masaya si Kylie. Pero hindi siya […]

  • Halos 13k katao apektado ng lindol sa Abra

    LALO pang dumami ang mga naapektuhan ng magnitude 7.0 na lindol mula sa hilagang bahagi ng Luzon, bagay na nag-iwan na ng apat na patay at mahigit isang daang sugatan.     Ito ang pahayag ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) patungkol sa pagyanig nitong Miyerkules na siyang nagmula sa epicenter na […]

  • VP Sara, itinalagang OIC habang nasa state visit si PBBM

    ITINALAGA si Vice-President Sara Duterte bilang Officer-In-Charge (OIC) habang wala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa kanyang state visit  sa mga bansang Indonesia at Singapore mula Setyembre 4 hanggang 7, 2022.     Sa ipinalabas na Special Order No. 75, nakasaad dito na upang matiyak na magpapatuloy ang government service, kailangan na magtalaga ng […]