DepEd: ‘Halaga ng mga nasirang learning materials dahil kay Ulysses, nasa halos P17-M’
- Published on November 25, 2020
- by @peoplesbalita
Iniulat ng Department of Education (DepEd) na umabot sa nasa P16.8-milyon ang halaga ng mga learning materials na nasira sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Ulysses.
Sa isang situation report, sinabi ng DepEd na halos 400,000 learning materials, na karamihan ay nanggaling sa Bicol region, ang nasira bunsod ng bagyo.
Maliban sa Bicol, nakatanggap din aniya ng report ang DepEd tungkol sa mga nasirang learning materials sa Cordillera Administrative Region, National Capital Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, at Mimaropa.
Sinira rin daw ng bagyo ang mahigit 23,000 computer sets sa ilang mga elementary at secondary schools sa buong bansa.
Habang nasa halos 1,800 namang mga paaralan ang napinsala kaya kailangan ng DepEd ng nasa P3.6-bilyon para sa pagsasaayos ng naturang mga istraktura.
Sa pagtataya ng kagawaran, nasa P38.9-bilyon ang kinakailangan para sa pagsasaayos ng mga pinsala.
Ngunit as of November 20, nakapaglaan pa lamang ang ahensya ng P5.7-milyon para sa “other non-infrastructure needs.”
Nag-donate na rin daw ng P1.4-milyon ang mga local DepEd offices para sa iba pang mga regional at division units na naapektuhan ng bagyo.
-
PSC very proud sa Philippine weightlifters at fencers
Gusto sana ng Philippine Sports Commission (PSC) na bigyan ng magandang pagsalubong ang mga umuwing national weightlifting at fencing teams mula sa mga sinalihang Olympic qualifying tournaments sa Tashkent, Uzbekistan. Ngunit simpleng salubong lang ang ginawa ng PSC dahil sa quarantine restrictions. “Despite the imposed lockdowns and curfews in Metro Manila, […]
-
Pelicans star Williamson umalis sa “Bubble”
Nilisan ni New Orleans Pelicans rookie Zion Williamson ang “Bubble” sa Walt Disney sa Orlando, Florida upang umano’y tugunan ang problemang medical ng kanyang pamilya. Ayon sa ulat, suportado ni Pelicans executive vice president of basketball David Griffin ang ginagawang pag-alis ni Williamson sa Orlando upang makasama ang kanyang pamilya. “Tama lamang na […]
-
17 VIETNAMESE NATIONAL, NASABAT SA AIRPORT
PINAGBAWALAN ng Bureau of Immigration (BI) ang pitong Vitenamese national na pumasok sa bansa dahil sa panlilinlang sa tunay na dahilan ng kanilang biyahe. Sa report ni BI Port Operations Division Chief Atty. Candy Tan, ang pitong Vietnamese national ay hinarang sa magkakahiwalay na okasyon sa NAIA Terminal 2 matapos lumipad mula […]