• March 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DepEd, ikakasa ang bagong wave ng PPP projects para sa 15K classrooms sa 2025

INANUNSYO ng Department of Education (DepEd) ang plano nitong maglunsad ng bagong wave ng Public-Private Partnership (PPP) projects na ang layunin ay idisenyo, pondohan at magtayo ng 15,000 silid-aralan para sa 1,600 eskuwelahan sa iba’t ibang lugar sa 9 na rehiyon simula sa susunod na taon.

 

 

 

Sinabi ng DepEd na ang inisyatibang ito ay inaasahan na mapakikinabangan ng mahigit sa 600,000 mag-aaral sa buong bansa.

 

 

Inanunsyo rin ng DepEd ang partnership nito sa PPP Center para tugunan ang classroom backlog sa mga pampublikong paaralan sa iba’t ibang lugar sa bansa.

 

 

Nauna rito, tinintahan ni Education Secretary Sonny Angara ang isang USD 1 million Technical Assistance Agreement kasama ang PPP Center para tugunan ang bahagi ng 165,000-classroom shortage sa mga public school.

 

 

Sinabi pa ng DepEd na ang kasunduan ay magbibigay ng technical support para sa pagtatayo ng 15,000 silid-aralan sa 2025 sa ilalim ng PPP for School Infrastructure Program Phase III (PSIP III).

 

 

Ang paliwanag pa ng DepEd, ang Project Development and Monitoring Facility na iginawad ng PPP Center ay naglalayong “streamline the planning and implementation of PSIP III, ensuring a more effective approach to addressing the country’s classroom backlog.”

 

 

Sinabi pa ni Angara na magugustuhan ng Pangulo ang “partnership today because it aligns with his directives, as it will not only improve the quality of education but also enhance the learning environment.”

 

 

Binigyang diin pa ng departamento na ang “creating safe, conducive learning environments” ay nananatiling top priority nito bilang bahagi ng 5-Point Reform Agenda nito.

 

 

Upang talakayin ang mga hamon na ito, sinabi ng DepEd na muli nitong bubuhayin ang PPP initiatives para sa school infrastructure habang ginagalugad o sinisiyasat ang innovative PPP models para sa ibang educational facilities, gaya ng “bundled campus development, school libraries, at iba pang essential infrastructure.”

 

 

“PPPs are a critical component of the reform agenda in basic education, which includes decentralization and digitization,”ang tinuran ng DepEd.

 

 

Samantala, nakiisa naman sa signing ceremony sina PPP Center Executive Director Ma. Cynthia Hernandez, NEDA Secretary Arsenio Balisacan, Department of Finance Usec. Catherine Fong, Private Sector Jobs and Skills Corporation President Josephine Romero, at senior DepEd officials.

 

 

Nagpahayag naman ng kanyang pasasalamat si Angara kay Balisacan para sa “recommending this partnership” at sinabi na anghuli ay “still has future plans” para tulungan ang sektor ng edukasyon.

 

 

“Thank you [Sec. Balisacan] for your initiative. We look forward to working with you. We appreciate all the time you’ve given us,” ayon kay Angara.

 

 

At upang mapaganda at madagdagan ang kapakinabangan ng mga nasabing silid-aralan bilang epektibong ‘learning environments’, sinabi ng DepEd na kinokonsidera nito ang construction packages na kinabibilangan ng “sustainable energy solutions, internet connectivity, furniture, at water systems.”

 

 

Samantala, sinabi ng DepEd na itatampok ng mga silid-aralan ang “sustainability and climate resiliency elements” gaya ng solar panel systems at rainwater catchments para tugunan ng pangangailangan ng mga susunod na henerasyon. ( Daris Jose)

Other News
  • Mga bata bawal din sumama sa Simbang Gabi – MMDA

    Mahigpit ding pagbabawalan na dumalo sa Simbang Gabi o Misa de Gallo ang mga kabataan sa Metro Manila dahil sa nagpapatuloy na banta ng coronavirus disease.   Napagkasunduan ng 17 alkalde ng Maynila na huwag payagan ang mga kabataan na may edad 17 pababa na lumabas ng kanilang mga bahay kung hindi naman importante ang […]

  • US tennis star Coco Gauff pasok na sa ikatlong round ng Australian Open

    PASOK na sa ikatlong round ng Australian Open si US tennis star Coco Gauff. Ito ay matapos na talunin niya si Jodie Burrage ng United Kingdom sa score na 6-3, 7-5. Hawak na ni Gauff ang kalamangan 3-1 sa ikalawang set subalit nagawa pang lumaban ang Londoner tennis player at naitala ang 5-3 sa kaniyang serve. […]

  • Border ng bansa, mananatiling sarado kahit maging maluwag na ang quarantine status sa susunod na linggo – Malakanyang

    MANANATILING nakasara ang borders ng Pilipinas kahit na magluwag pa ng quarantine classification sa Mayo 15.   Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque na kahit maging GCQ na ang NCR plus at iba pang bahagi ng bansa ay bawal pa rin ang turismo at tanging ang mga dayuhan lamang aniya na mayroong investors visa ang […]