DepEd, lumikha ng task force para suriin ang SHS program
- Published on May 16, 2023
- by @peoplesbalita
NAG-ORGANISA ang Department of Education (DepEd) ng national task force na susuri sa implementasyon ng senior high school (SHS) program.
Base sa memorandum na nilagdaan ni DepEd Undersecretary Gina Gonong na may petsang Mayo 11, ang task force ay nilikha “to address the emerging challenges in the implementation of the SHS program in both DepEd and non-DepEd schools.”
Ang task force ay nagsumite ng report ng accomplishments at outputs kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte, sa pamamagitan ng Undersecretaries of the Curriculum and Teaching and Operation Strands, “on or before May 12, 2024.”
Kabilang sa mga responsibilidad ng task force ay rebisahin ang umiiral na program policies “to ensure consistency, responsiveness, and relevance” para sa pangangailangan ng mga mag-aaral at stakeholders; at palakasin ang kasunduan sa private sectors at iba’t ibang industriya sa national at regional levels para mapahusay ang SHS employability.
Inaasahan din na made-develop ang mga polisiya at plano base sa program implementation review results at inaasahan na future needs; at pakikipagtulungan sa mga mahahalagang tanggapan gaya ng state universities at colleges, at public at private schools, para i-develop ang isang SHS database kabilang ang “policies, program offerings, and private school data.”
“As the nation strives for economic recovery and growth, it is becoming increasingly important for SHS graduates to have greater access to employment, entrepreneurship, advanced education, and training,” ang nakasaad sa memorandum.
Noong nakaraang Enero, sinabi ni Duterte na nakatakdang suriin ng DepEd ang K to 12 curriculum sa layuning makapag-produce ng mas maraming job-ready at responsible graduates.
Sinabi ng DepEd na ang task force ay kinabibilangan ng Secretariat na magbibigay ng administrative support para sa epektibong implementasyon ng SHS Program Standards and Support Systems “by addressing logistical concerns and convening the members of the SHS NTF when needed.”
Samantala, itinalaga ng departmento ang Assistant Secretary for Curriculum and Teaching, Curriculum Development, Learning Delivery, and Learning Resources bilang chairman ng task force, at Assistant Secretary for Operations bilang co-chair. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
Manilenyo ‘all out’ ang suporta kay Isko
Ngayong nalalapit na ang panahon ng eleksiyon sa bansa, marami na ang nagtatanong at interesadong malaman kung ano ang magiging plano ni Manila Mayor Isko Moreno. Tiniyak naman ni Don Ramon Bagatsing na kung ano man ang maging desisyon ni Yorme para sa posisyong kanyang tatakbuhan sa 2020 national and local elections, ay […]
-
PDU30, gustong imbestigahan ng DoH ang “false positives” ng PRC
HINILING ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Department of Health (DOH) na imbestigahan ang napaulat na reklamo tungkol sa “false positives” ng Covid-19 tests na ginawa ng Philippine Red Cross (PRC). Sa kanyang Talk to the People, araw ng Lunes ay sinabi ng Pangulo na nakatanggp siya ng ulat na mayroong “false-positive results” sa […]
-
Discover A World Where The Elements Live Together in ‘Elemental’
EXCITING news for Disney and Pixar fans – the new original feature film Elemental is coming to theaters this June and the full trailer has been revealed, featuring a lively world filled with living elements. Watch the trailer for Elemental below: https://www.youtube.com/watch?v=hXzcyx9V0xw The movie takes us to Element City, a spectacular […]