• December 4, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DepEd: Mga paaralan, last option sa vaccination sites

Nagpaalala ang Department of Education (DepEd) na ang mga paaralan ay dapat na gamitin lamang bilang last resort o huling opsiyon bilang vaccination sites, ngayong nagpapatuloy na ang inoculation rollout ng pamahalaan laban sa COVID-19.

 

 

Binigyang diin ni DepEd Sec. Leonor Briones ang panukala ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ng Department of Interior and Local Government (DILG) na gagamitin lamang ang mga paaralan kung wala nang iba pang pasilidad sa mga lokalidad.

 

 

Nakasaad sa polisiya ng DepEd sa pagpapatupad ng Philippine National Deployment and Vaccination Plan (NDVP) para sa COVID-19 na ang pagpili sa mga paaralan bilang last resort ay dapat na nasa istratehikong lokasyon na may sapat na espasyo, pasilidad, at human resources, kasama ng iba pang pamantayan na itinakda ng DOH.

 

 

Bilang pagsasaalang-alang sa kaligtasan at kapakanan ng mga kawani ng DepEd na nagtatrabaho onsite at mga mag-aaral, binigyang-diin din ng Kalihim na ang mga pilot school na napili para sa face-to-face learning at mga paaralan na may ongoing health-related projects ay hindi kasama sa posibleng maging vaccination center.

 

 

Bukod dito, ang mga LGU at health officials ang magpapasya kung gagamitin ang mga paaralan bilang isolation at immunization site dahil ang paggamit dito para sa parehong dahilan ay hindi inirerekomenda.  (Gene Adsuara)

Other News
  • Ads November 11, 2021

  • Ads December 30, 2021

  • Petisyon sa P3 taas pasahe sa jeep, isinampa sa LTFRB

    Naisampa na kahapon ang petisyon ng iba’t ibang jeepney organization para sa provisional  P3 na dagdag singil sa minimum na  pasahe sa mga pampasaherong jeep sa bansa.     Sa kanilang petisyon na isinampa sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)   Central Office sa pangu­nguna ng Pasang Masda,  FEJODAP, ACTO, LTOP at ALTODAP, iginiit […]