• April 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DepEd, nagpatulong na sa Quezon City Police District (QCPD) hinggil sa napaulat na ‘bullying’ sa Bagong Silangan High School

nnnnNAGPASAKLOLO na si Education Secretary Sonny Angara sa Quezon City Police District (QCPD) kaugnay sa di umano’y napaulat na ‘bullying’ sa Bagong Silangan High School.nnKumakalat kasi ngayon sa social media ang di umano’y pambu-bully sa isang babaeng Grade 8 student ng kaniyang mga kaklase sa loob ng isang paaralan sa Bagong Silangan, Quezon City.nn nnSa isang liham kay QCPD Director Brig. Gen. Melecio Buslig Jr., sinabi ni Angara na ang insidente na kinasangkutan ng mga menor de edad ay kailangan na mahawakan ng maayos ng mga eksperto o may kasanayan at pagiging sensitibo.nn“The Department of Education (DepEd) has initiated internal protocols to ensure that the matter is addressed with urgency and care,” ang sinabi ng Kalihim.nn“While we have instructed the school to expedite its investigation and extend support to the affected learners, we also recognize that certain aspects of the incident may require your office’s expertise — particularly in maintaining the safety of the school community,” ang nakasaad pa rin sa liham.nnHangad din ni Angara ang pagtutulungan sa pagitan ng Learner Rights and Protection Office (LRPO) ng DepEd at Philippine National Police (PNP) Women and Children Protection Desk.nn nn“Your specialized training, experience, and established protocols in handling such cases are instrumental in ensuring that all parties, especially the children involved, are treated with compassion, dignity, and due process,” ang sinabi nito.nnNauna rito, inatasan na ng DepEd ang pamunuan ng Bagong Silangan High School sa lungsod ng Quezon na palawakin ang imbestigasyon ukol sa insidente ng pambubully sa isang estudyante.nn nnMayroon ng inilaang pulong ang DepEd sa Child Protection Committee ng paaralan para marinig ang panig ng mga magulang at mga sangkot na estudyante.nn nnSinabi ni DepEd Media Relations Chief Dennis Legaspi na hindi papayagan ang anumang uri ng pambubully sa mga paaralan.nn nnHanda umano nilang tulungan ang mga paaralan para mahigpit na maipatupad ang batas ukol sa anti-bullying.nn nnMagugunitang inireklamo ng isang magulang sa nasabing paaralan ang ginawang pambugbog sa kaniyang anak na babae kung saan lagi umano itong binubully. (Daris Jose)

Other News
  • Justice Lopez, bagong Associate Justice ng SC

    KAPWA kinumpirma nina Executiive Secretary Salvador Medialdea at Presidential spokesperson Harry Roque ang pagkakatalaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay dating Court of Appeals Justice Joseph Ilagan- Lopez bilang bagong Associate Justice ng Korte Suprema.   Sinabi ni Sec. Roque na pinirmahan ng Pangulo ang appointment paper ni Justice Lopez kahapon, Enero 25.   Inaasahan […]

  • Ads July 24, 2023

  • Nagsampa na ng kaso para sa attempted rape: Host ng ‘It’s Showtime’ na si CIANNE, na-trauma dahil sa pangha-harass ng isang macho dancer

    NA-TRAUMA ang ‘It’s Showtime’ host na si Cianne Dominguez dahil sa ginawang pangha-harass sa kanya ng isang gay bar dancer na ang pangalan ay Ronnie Gray.     Ayon kay Cianne, sinundan daw siya ni Ronnie sa kanyang condo building noong April 11 at doon ay tinangkang halayin siya nito. Mabuti na lang daw at […]