• March 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DepEd: ‘Pag init umabot ng 42 degrees, F2F kanselado

PLANO ng Department of Education (DepEd) na magpatupad ng adjustment sa class schedule ng mga estudyante, bunsod na rin ng nararanasang matinding init ng panahon.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, may ilang lugar at paaralan na ang nagpapatupad ng class schedule adjustment, kung saan ang morning class sessions ay inilipat ng 6am-10am habang ang panghapong klase ay 2pm-6pm.
Samantala, ang asynchronous learning naman ay idinaraos ng mula 10am-2pm.
Sinabi pa ni Angara na ang mga paaralan ay maaaring mag-transition sa remote o asynchronous learning kung ang heat index ay umabot ng 42 degrees Celsius pataas pa, o base sa direktiba ng local government units (LGUs).
Nagpaalala rin si Angara sa mga paaralan na limitahan ang outdoor physical activities para sa mga mag-aaral, at gumamit ng malilim na lugar, gaya ng school courts, kung kinakailangan.
Pinahihintulutan na rin ng DepEd ang paggamit ng light at kumportableng uniporme para sa mga mag-aaral at school personnel.
Paniniguro pa niya, magpapalagay sila ng mga karagdagang electric fans sa mga silid-aralan at hydration stations, at mamamahagi ng insulated water containers.
Other News
  • P90.2-B special risk allowance para sa mga medical workers ng DOH inilabas na

    Nailabas na ang P90.2 billion special risk allowance para sa mga medical workers ng Department of Health sa buong bansa.     Sinabi ni Department of Budget and Management (DBM) Assistant Secretary Kim Robert de Leon na inaasahan na tuluyan ng maipamahagi ang nasabing budget hanggang Hunyo 30, 2021.     Mayroong tig-P5,000 na monthly […]

  • DENR SECRETARY KAKASUHAN NG MGA MAGSASAKA!

    MAHIGIT sa 30 taong napagkaitan ng mga lupa ang may 1,000 magsasaka sa Palawan dahil sa paghahari ng pamilya ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Ma. Antonia Yulo-Loyzaga ay maghahain na ng kaso sa Office of the Ombudsman ang mga bumubuo ng Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (KASAMA-TK).   […]

  • PNP pinagbabawalan na ang pulis na may nakalantad na tattoo

    NAGLABAS Philippine National Police (PNP) ukol sa pagkakaroon ng mga tattoo ng mga personnel, applicants at maging ang mga kadete sa akademiya.     Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, na lamang ng PNP Memo 2024-023 na dapat magsumite ng affidavit na kanilang tatanggalin ang mga tattoo ng mga personnel na nakalantad.     […]