• September 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DepEd, pinag-aaralan na suriin ang revised K-10 curriculum rollout para sa SY 2024-2025

LAYON ng Department of Education (DepEd) na i-roll out ang updated Kinder to Grade 10 (K-10) curriculum para sa school year (SY) 2024-2025

 

 

Sinabi ni  DepEd spokesperson Michael Poa na ang target rollout date ay  consistent sa commitment ng DepEd na makakuha at makonsidera ang lahat ng  public comments para  ma-fine-tune ang  K-10 curriculum bago pa ito ipatupad.

 

 

“Of course, ang gusto nating makuha talaga, ay lahat ng comments ng public, ma-consider natin para ma-tweak pa natin further ‘yung K-10 curriculum,” ayon kay Poa sabay sabing ang  nakapaskil na curriculum guide ay draft lamang.

 

 

Tinukoy pa nito na  “in reference to the guide,” ang  “mother tongue” ay dapat na manatiling ginagamit bilang  “medium of instruction.”

 

 

“It’s still a working draft, that’s why we want to get the comments. According to our curriculum guide, and we would like to clarify this, we did not remove the mother tongue as a medium of instruction. What we removed was mother tongue as a subject,” ani Poa.

 

 

Sa ngayon ang curriculum strand ng DepEd ay nananatiling nasa proseso na tipunin ang lahat ng mga komento para tulungan na isapinal ang revised curriculum.

 

 

Tiniyak pa ng DepEd, sa oras na maisapinal na, ang draft ng  updated curriculum guide para sa Grades 11 at 12 o Senior High School (SHS) ay dapat na ipalabas din “for transparency.”

 

 

“Consultation muna po tayo again, and then after that, magkakaroon muna tayo ng review proper and then saka na ‘yung revision,”ayon kay Poa. (Daris Jose)

Other News
  • Nets forward Durant minultahan ng $15-K dahil sa pagmumura

    PINATAWAN ng $15,000 na multa ng NBA si Brooklyn Nets star forward Kevin Durant dahil sa pagmumura matapos ang paglalaro.     Nakapagmura kasi si Durant ng talunin ng Portland Trailblazers ang Nets 114-108 nitong nakaraang Martes.     Hindi rin nito na-satisfy ang NBA security review requirement.     Ang 33-anyos na American forward […]

  • Big break na napasama sa ‘Widows’ War’: BRENT, nag-trending dahil sa husay nang pagganap bilang Peter

    BIG break para sa Sparkle artist na si Brent Valdez ang ‘Widows’ War’ ng GMA Prime   Gumaganap si Brent bilang si Peter na isang impostor na Palacios. Habol niya ay ang nakuha ng malaking pera sa kanyang mga amo.   Nag-trending si Brent sa social media dahil sa husay nang pagganap nito. Siya rin […]

  • Ads March 17, 2023