DepEd, planong ipapatupad ang K-10 curriculum sa 2024
- Published on June 8, 2023
- by @peoplesbalita
TARGET ng DepEd na ilunsad ang bagong curriculum para sa Kinder hanggang Grade 10 (K to 10) sa school year 2024-2025.
Sinabi ng tagapagsalita ng DepEd na si Michael Poa na ang ahensya ay nagtitipon ng feedback ng publiko sa draft ng K to 10 curriculum.
Aniya, nais ng nasabing departamento na makuha ang komento ng publiko ukol sa nasabing usapin upang malaman nila at pag-aralan kung ano pa ang mga kinakailangan sa pagpapatupad nito.
Kaugnay niyan, ang pagsusuri ng curriculum ng Senior High School ay nasa yugto na ng konsultasyon.
Sinabi ni Poa na susundan ito ng review proper, revision, at paglalabas ng draft curriculum “for transparency.”
Isinasapinal na rin ng DepEd ang school calendar para sa susunod na SY 2023-2024.
-
Nanawagan sa mga magdiriwang ng Chinese New year na mahigpit na sundin ang mga health protocols
NANAWAGAN ang Malakanyang sa mga magdiriwang ng Chinese New Year ngayong darating na February 12. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pinapayagan naman ng gobyerno ang pagdiriwang ng Chinese New Year subalit kailangan na kaakibat nito ang mariing pagsunod sa mga health protocols tulad ng mask, hugas, iwas upang hindi kumalat ang Covid […]
-
Mga guro, non-teaching personnel obligadong magparehistro sa PhilHealth– CHED
Ginagawang requirement sa ngayon para sa mga guro at non-teaching personnel na makikibahagi sa limited face-to-face classes sa mga kolehiyo at unibersidad ang pagpaparehistro sa PhilHealth, ayon sa Commission on Higher Education (CHED). Sinabi ni CHED Executive Director IV Atty. Cinderella Jaro na ang hakbang na ito ay magtitiyak na kapag tamaan man […]
-
Kapalaran ng Elite, itataas ni Racela
UMANGAS lang ang Blackwater sa 44th Philippine Basketball Association Commissioner’s Cup 2019 na lumagak sa No. 3 pagkaraan ng 11-game eliminations sa 3-7 win-loss card, pumasok sa quarterfinals pero sinibak ng Rain or Shine 2-1. Bago magbukas ang 45th PBA Philippine Cup sa Linggo, Marso 8, abala ang pabango sa trade pero walang nadaleng […]