DepEd, planong ipapatupad ang K-10 curriculum sa 2024
- Published on May 23, 2023
- by @peoplesbalita
TARGET ng DepEd na ilunsad ang bagong curriculum para sa Kinder hanggang Grade 10 (K to 10) sa school year 2024-2025.
Sinabi ng tagapagsalita ng DepEd na si Michael Poa na ang ahensya ay nagtitipon ng feedback ng publiko sa draft ng K to 10 curriculum.
Aniya, nais ng nasabing departamento na makuha ang komento ng publiko ukol sa nasabing usapin upang malaman nila at pag-aralan kung ano pa ang mga kinakailangan sa pagpapatupad nito.
Kaugnay niyan, ang pagsusuri ng curriculum ng Senior High School ay nasa yugto na ng konsultasyon.
Sinabi ni Poa na susundan ito ng review proper, revision, at paglalabas ng draft curriculum “for transparency.”
Isinasapinal na rin ng DepEd ang school calendar para sa susunod na SY 2023-2024.
-
Vaccination sa PNP hindi mandatory – PNP Chief
Hindi mandatory at hindi sapilitan ang pagbabakuna sa Philippine National Police (PNP). Ito ang paglilinaw ni PNP Chief Gen. Guillermo Elezar ngayong nagsimula na ang vaccination sa A4 category. Sinabi ni PNP Chief kanilang uunahin ang mga pulis na nagpahayag ng kagustuhan na magpabakuna. Pero batay sa kanilang survey nasa […]
-
Kelot na-curfew nagbigay ng maling pangalan, kalaboso
Lalong nabaon sa asunto ang isang 30-anyos na lalaki na nagtangkang umiwas sa pagbabayad ng multa sa pamamagitan ng pagbibigay ng maling pangalan makaraang mahuling lumabag sa curfew sa Navotas city. Sa ulat na tinanggap ni Acting Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging, sinita ng mga tauhan ng Navotas police si Andrew Fernandez, […]
-
Ads March 10, 2022