DEPLOYMENT NG MGA HEALTH WORKERS, IREREKOMENDA
- Published on June 16, 2021
- by @peoplesbalita
IREREKOMENDA ng Department of Labor and Employment (DOLE) na magdagdag ng deployment cap ng mga healthcare workers overseas kasunod ng apela ng Medical Technology Group.
Maaalala na ipinataw ang pansamantalang 5,000 deployment cap noong nakaraang taon upang hindi maubusan ng health workers sa bansa na tutugon sa gitna ng pandemya.
“Actually, that subject has been a matter of discussion by a technical working group,” ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III sa CNN Philippines .
Ayon kay Bello, binuo ang technical working group na ito upang malaman kung may anumang posibleng paraan ng pagdaragdag ng deployment cap ng paglawak nang hindi mapapagkaitan ng health care workers ang bansa.
Aniya, handa ang TWG na magrekomenda sa Inter Agency Taskforce ng ppsibleng pagdagdag ng deployment cap .
Binubuo ang TWG ng mga kinatawan mula sa DOLE, Department of Health (DOH), Professional Regulation Commission (PRC). (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
60 dating drug users nagtapos sa rehab program ng Navotas
UMABOT sa 60 persons who used drugs (PWUDs) ang nagtapos sa Bidahan, ang community-based treatment and rehabilitation program (CBDRP) ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas. Kasama sa Bidahan ang anim na buwan ng Community-Based Drug Rehabilitation Program (CBDRP) at isa pang anim na buwang aftercare. Kasama sa batch ng rehab completers ang […]
-
Kian Bill inihain sa Kamara
INIHAIN sa Kamara ni Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña ang “Kian Bill” o ang Public Health Approach to Drug Use Act na naglalayong magpatupad ng makataong solusyon sa problema sa droga sa pamamagitan ng pagbibigay proteksyon sa karapatan ng mga indibidwal. Ayon kay Cendaña, ang kaniyang panukala ay magsisilbing 180 degree turn mula […]
-
Meralco Avenue sa Pasig sasaraduhan simula Oct. 3hanggang 2028
ISANG bahagi sa Meralco Avenue sa lungsod ng Pasig ang sasaraduhan sa trapiko simula sa Oct. 3 dahil sa gagawing civil works sa Shaw Boulevards kaugnay sa pagtatayo ng P488.48 billion na Metro Manila Subway project. Tinatalang hanggang 2028 ang pagsasara ng nasabing pangunahing lansangan sa Pasig ayon sa Department of Transportation […]