• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DEREK, dapat payuhan na ‘wag nang mag-react sa bashers at mag-move on na kay ANDREA; mag-focus na lang kay ELLEN

SANA ay may magpayo na rin kay Derek Ramsay na hangga’t maaari, baka gusto niyang ‘wag ng magreak nang mag-reak sa mga bashers.

 

 

At move-on na rin talaga sa kasasagot o kaka-mention about Andrea Torres.

 

 

Mukhang sa halip na makuha niya ang simpatiya ng netizens sa pagsagot niya sa minsan o isang beses lang na pagbibigay ng statement ng kanyang ex-girlfriend regarding their break-up, yung obvious na hindi pagsang-ayon ni Andrea sa naging statement ni Derek sa kung paano sila nag-break.

 

 

Sinabi naman ni Andrea na ayaw niyang maging mala-“He Said, She Said” silang dalawa. Pero si Derek, muli na naman itong sumagot.

 

 

Pinagpapalagay rin na message ni Derek sa mga bashers niya ang pinost nitong quote na, “The opinion of 10,000 men is of no value if none of them know anything about the subject.”

 

 

Sabi tuloy sa mga comment patungkol kay Derek, “Ano ba ang ipinaglalaban?”

 

 

“The I’m still not over my EX continues.”

 

 

“Every day may statement ah. Parang hindi ka happy sa life mo. Ikakasal ka pa naman.”

 

 

“What happened to this guy? He seems hell bent and going after Andrea and whoever who tries to defend her.  Tipong di kita patatahimikin vibes… ang tanong… ay baket?”

 

 

Sa isang banda, marami na rin naman kaming nababasa na kinikilig na sa kanila ni Ellen Adarna. Nasasakyan din ang mga trip nila or nakaka-relate.

 

 

Pwedeng mas mag-focus na rin si Derek sa babaeng napili niyang pakasalan.

 

 

***

 

 

NAGBEBENTA na si Jennica Garcia ng mga gamit nilang mag-asawa na si Alwyn Uytingco.

 

 

May pa-live selling nga ito ng mga furnitures nila. Lilipat na ito ng bahay kasama ang dalawang anak nilang babae at tahasang sinabi ni Jennica na gusto na raw niyang magsimula ng bago.

 

 

Sey niya, “start fresh ‘ika nga.”

 

 

Kaya nakikiusap siya na bilhin na raw sanang lahat ang ibebenta niya.

 

 

Sabi ni Jennica, “Marami po ito gawa ng ayoko na po sana dalhin pa sa lilipatan namin na unit ng mga bata.  Start fresh ika-nga.  Hanep!  Naka huwgot pa sa morning.”

 

 

     Ilan daw sa mga ila-live selling niya ay mga furnitures tulad ng dining table, bench, cabinets, lifetime study table.

 

 

At yung lifetime study table ay mahal daw niya pero ayaw raw niya ang memories na meron do’n kaya ididispatsa na rin niya.

 

 

Sey niya, “Mahal na mahal ko pero ayoko ng memories na kaakibat niya haha!”

 

 

May nag-comment naman kay Jennica na makikita raw sa mga mata nito na may pinagdadaanan kaya maging strong lang daw sana.

 

 

Obviuous na hiwalay na talaga sina Jennica at Alwyn. Pero nananatiling tahimik ang dalawa sa kung ano talaga ang dahilan ng naging hiwalayan nila.

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Ads April 1, 2021

  • Jerson Cabiltes bagong head coach ng Emilio Aguinaldo College Generals

    NAKATAKDA nang dalhin ni Jerson Cabiltes ang kanyang coaching skills sa collegiate ranks.   Ito ay matapos siyang hirangin bilang bagong head coach ng Emilio Aguinaldo College Generals sa NCAA men’s basketball kapalit ni Oliver Bunyi.   Ang appointment kay Cabiltes ay dumating ilang linggo matapos lumutang ang kanyang pangalan sa bakanteng De La Salle […]

  • Djokovic nabigyan ng medical exemptions para makapaglaro na sa Australian Open

    Nabigyan ng medical exemption si Serbian tennis star Novak Djokovic para maidepensa niya ang kaniyang Australian Open title.     Sa kaniyang social media ay inanunsiyo ng world number one na siya ay makakapaglaro sa opening Grand Slam event matapos matanggap ang medical exemption mula sa pagpapabakuna laban sa COVID-19.     Dahil dito ay […]