• March 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Desidido sa pagka-VP

Itinanggi ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga espekulasyon na magkakaroon ng “substitution” para bigyang daan ang kandidatura ng isang inbdibiduwal sa pagsasabing desidido siyang ituloy ang pagtakbo niyang bise-presidente ng bansa sa darating na 2022 elections.

 

 

“I can’t speak for the other candidates. Hindi po ako makapagsalita kung ano po ang magiging desisyon ng partido… As far as I am concerned, sa aking tinakbuhang posisyon, desidido na po ako,” sabi ni Go matapos siyang makapanayam sa pagbubukas ng ika-143rd Malasakit Center sa Doña Maria D. Tan Memorial Hospital sa Tangub City, Misamis Occidental noong Martes.

 

 

“Desisyon po ‘yan ng partido at ni Pangulong Duterte since he withdrew, hindi na siya tumuloy bilang kandidato as vice president. Kaya ako po ‘yung pinatakbo ng partido at ni Pangulong Duterte dahil kailangan po namin na meron tayong timon na magdadala at magpapatuloy ng mga adhikain ng PDP at ng administrasyong ito,” idinagdag ni Go.

 

 

Sinabi ni Go na naghahanda na ang ruling party, PDP-Laban para sa halalan at kinakailangang may titindig para sa partido at administrasyon na maipagpatuloy ang mga programa o positibong nasimulan ni Pangulong Duterte.

 

 

Anang senador, determinado siyang ipagpatuloy ang Duterte legacy, at sa pagtulong sa bansa na makabangon sa pandemya upang mabigyan ng maginhawang buhay ang Filipino, partikular ang mga vulnerable at ang mga nawawalan ng pag-asa.

 

 

Sa kabila ng umaapaw na suporta sa kanyang kandidatura, sinabi ni Go na hindi siya magpapakampante sa kanyang tsansa sa halalan.

 

 

Aniya, sa huli ay ang taongbayan pa rin ang masusunod kung sino ang nais nilang ihalal. (Daris Jose)

Other News
  • Pondo ng NTF-ELCAC para sa PNP nuong 2020, ‘di napunta sa anomalya – PNP chief

    Tiniyak ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na hindi napunta sa anomalya ang hindi masyadong nagastos na pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Fund para sa Pambansang Pulisya noong 2020.     Ito ang paglillinaw ni PNP Chief Police General Guillermo Eleazar matapos ang puna sa kanila ng Commission on […]

  • PROGRAMA KONTRA POLIO, IPAGPAPATULOY

    IPAGPAPATULOY  ng Department of Health (DOH) sa tulong ng World Health Organization o WHO at United Nationsd Childrens Fund  (UNICEF) ang programa kontra polio upang labanan ang poliovirus outbreak  sa Pilipinas. Isasagawa sa Mindanao ang susunod na yugto ng programa ng DOH ang  “Sabayang Patak Kontra Polio” campaign na magsisimula sa  ngayong July 20 hanggang […]

  • Suspek sa 10-hour hostage taking sa Texas, napatay ng mga otoridad, mga biktima ligtas

    UMABOT sa mahigit 10 oras bago tuluyang natapos ang hostage-taking incident sa isang synagogue sa Dallas, texas.     Ligtas na nakalabas ang apat na katao kabilang na ang rabbi sa Congregation Beth Israel synagogue sa Colleyville.     Napatay naman ng mga otoridad ang suspek na si Muhammad Siddiqui matapos na makipaglaban sa mga […]