• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DESIREE, pinahanga si BOOM sa pinagdaang hirap sa pagbubuntis sa kanilang baby boy

SINILANG na ni Desiree del Valle ang baby boy nila ng mister na si Boom Labrusca noong nakaraang October 4.

 

      “As we welcome our bundle of Joy! Alexander Sebastian Dunham Labrusca. Thank you Lord for our son,” caption ni Desiree sa post niya sa Instagram.

 

Proud daddy and husband si Boom at pinahanga raw siya ni Desiree sa pagdaan nitong pagbubuntis sa kanilang baby boy.

 

 

Post ni Boom: “To my wife, for carrying our baby, for being strong and for being an amazing wife, good job, mommy. Maaring nandoon tayo sa kanilang tabi ngunit kailanman ay ‘di natin malalaman ang tunay na hirap ng pagdadalang tao. Team work makes the dream work. I love you so much.”

 


      Kinasal sina Boom at Desiree noong January 2018. Una silang nagkaroon ng relasyon noong magkasama sila sa teleserye na Aryana ng ABS-CBN noong 2012.

 

Panganay ni Boom ang aktor na si Tony Labrusca na anak niya sa dating karelasyon na si Angel Jones.

 


      ***

 

PINAGSISIHAN daw ni Buboy Villar na hindi niya niligawan noon si Kiray Celis.

 

Ilang beses na raw silang nagkasama ni Kiray sa iba’t ibang shows. Ang pinakahuli ay ang Owe My Love sa GMA-7. Pero hindi raw niya nagawang pormahan si Kiray noon.

 

      “Sa totoo lang, si Kiray matagal ko nang katrabaho talaga ‘yan, as in noong nasa kabilang network pa ako. Baby na baby pa lang ako, Kiray na ‘yan, kumbaga idol na ‘yan.          

 

Mataas ang respeto ko sa babae na ‘yan. Kaya sinasabi ko na puwedeng ma-in-love nga rin ako kay Kiray eh, kung tutuusin. Legit!

 


      “Puwede ka talagang ma-in-love kay Kiray lalo na kapag hindi mo kasi siya kilala, ‘yung iba maiinis sa kanya eh, kasi ‘Bakit ganyan ka magsalita?’ tapos sobrang prangka. Pero maganda ‘yung taong ganu’n, kasi alam mong hindi plastic sa ‘yo,” diin pa ni Buboy.

 

May boyfriend na si Kiray at masaya si Buboy para sa kanilang relasyon.

 

      “Meron na siyang boyfriend eh. Okay na ‘yung magkatrabaho kami. I mean, sinusuportahan ko siya, sinusuportahan niya ako. Andito ako bilang kaibigan, Promise!”

 


      ***

 

SI Ed Sheeran ang panibagong Mega Mentor para sa Season 21 ng The Voice.

 

Makakasama ng British singer ang kapwa coaches niya na sina Kelly Clarkson, Ariana Grande, John Legend at Blake Shelton. Si Sheeran ang magme-mentor ng mga artist na nakalagpas na ng Battle Rounds para ihanda sila sa ‘Knockouts’ na eere sa October. 25.

 

Ang paglabas ni Sheeran sa The Voice ay sasabay sa release ng kanyang fourth full-length album titled = (Equals) sa October 29.

 

Sey ng Sheeran, “= (Equals) is a really personal record and one that means a lot to me. My life changed greatly over the past few years — I got married, became a father, experienced loss, and I reflect on these topics over the course of the album. I see it as my coming-of-age record, and I can’t wait to share this next chapter with you.”

 


      Kinasal ang 30-year old four-time Grammy winner kay Cherry Seaborn at meron na silang daughter named Lyra Antarctica. Two of = (Equals)’s tracks, titled “Sandman” and “Leave Your Life,” will tackle fatherhood, while “The Joker and the Queen,” “First Times” and “2step” will focus on love.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Tan pinagpapaliwanag ng GAB

    Pinagpapaliwanag ng Games and Amusements Board (GAB) si Glutagence head coach Justin Tan sa umano’y hindi pagbabayad sa ilang players nito na nag­laro sa Women’s National Basketball League.     Nagpadala na ng sulat ang GAB na pirmado ni GAB Pro Sports Division chief Dioscoro Bautista para hingan ng paliwanag si Tan.     Mayroon […]

  • Higit 6K mga bata sa Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela, nakatanggap ng regalo mula kay PBBM

    MAHIGIT 6K mga bata sa Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela na may edad 5-12 ang nakatanggap ng Christmas gifts mula sa Office of the President “Balik Sigla, Bigay Saya,” Nationwide Gift-Giving Day na program ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.     Sa Caloocan, 2,000 Batang Kankaloos ang nakatanggap ng mga trolley bag na naglalaman […]

  • Malabon LGU, nakipagtulungan sa Cocolife para sa health insurance ng mga empleyado

    SA layunin nitong mapabuti ang mga programa sa pangangalaga sa kalusugan, nakipagtulungan si Mayor Jeannie Sandoval at ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa Cocolife Insurance para magdagdag ng health insurance at mga benepisyo sa mga empleyado nito.     “Alam nating mahalaga na mapangalagaan natin ang ating kalusugan, lalo na ngayong pabago-bago ang panahon at […]