• June 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DFA, ipinatawag ang Chinese envoy dahil sa ‘illegal incursion’ ng navy ship sa Sulu Sea

IPINATAWAG ng Department of Foreign Affairs (DFA) si Chinese ambassador Huang Xilian dahil sa “illegal incursion” at “lingering presence” ng Chinese navy vessel sa Sulu Sea.

 

 

Sa isang kalatas, inanunsyo ng DFA na ipinatawag ni acting Undersecretary Ma.Theresa Lazaro si Huang matapos na pumasok nang walang pahintulot sa Philippine waters ang People’s Liberation Army Navy (PLAN) electronic reconnaissance ship, na may bow number 792, mula Enero 29 hanggang Pebrero 1.

 

 

“The Philippine Navy challenged the PLAN vessel, which claimed it was merely exercising innocent passage,” ayon sa DFA.

 

 

“However, the actions of PLAN 792 did not constitute innocent passage and violated Philippine sovereignty,” dagdag na pahayag ng departamento.

 

 

Sinabi pa nito na ang naging galaw ng Chinese navy ship “did not follow a track that can be considered as continuous and expeditious” lalo pa’t nagtagal ito ng tatlong araw sa Sulu Sea.

 

 

Napaulat din na ipinagpatuloy ng Chinese navy ship ang aktibidad nito sa Philippine waters sa kabila ng makailang ulit na ipinag-utos ng Philippine Navy na kaagad nilang lisanin ang lugar.

 

 

“In response to the incident, Acting Undersecretary Lazaro demanded that China respect Philippine territory and maritime jurisdiction, and to comply with its obligations under international law, particularly UNCLOS (United Nations Convention on the Law of the Sea), and direct its vessels to desist from entering Philippine waters uninvited and without permission,” ayon sa kalatas.

 

 

Ang Chinese embassy sa Maynila ay nagpahayag na magpapalabas sila ng tamang pagtugon sa nasabing usapin. (Daris Jose)

Other News
  • Zubiri, bagong Senate president ng 19th Congress

    OPISYAL  nang nailuklok bilang bagong Senate President si Senator Juan Miguel Zubiri.     Ito ay matapos na iboto ng 20 mga senador si Zubiri bilang bagong Senate President sa unang sesyon ng muling pagbubukas ng 19th Congress ngayong araw.     Ngunit sinabi naman ng magkapatid na senador na sina Alan Peter Cayetano at […]

  • Ponggay aayudahan ang mga mag-aaral

    WALA pang katiyakan sa petsa sa pagbubukas ng 4th Premier Volleyball League (PVL) 2020.   Pero sinisinop ang oras ng mga team ng semi-pro women’s volleyfest,  maging ang karamihan sa kanilang mga player.   Kagaya ni Pauline Marie Monique ‘Ponggay’ Gaston ng Choco Mucho Flying Titans, na naglalaro rin sa Ateneo Lady Eagles sa University […]

  • PH Alex Eala bumaba ang world rankings bago sumabak sa US Open

    Bahagyang bumaba ang world rankings ni Alex Eala sa Women’s Tennis Association (WTA) bago pa man ang kanyang pagbabalik sa juniors para sa prestihiyosong US Open na gaganapin sa September 6-11, 2021 sa New York.     Sinasabing kabilang sa dahilan ay ang halos kawalan ng events sa women’s pro circuit . Ang Filipina sensation […]