DFA naghain ng dalawang bagong diplomatic protest vs China
- Published on April 26, 2021
- by @peoplesbalita
Dalawang panibagong diplomatic protest ang inihain ng Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa China matapos na mataan ang 160 Chinese vessels sa karagtang sakop ng Pilipinas.
Sa isang diplomatic note na may petsang Abril 21, sinabi ng DFA na ang presensya ng mga barkong ito sa West Philippine Sea ay hayagang pagtapak sa soberenya, sovereign rights at jurisdiction ng Pilipinas.
Ayon sa DFA, namataan ang mga Chinese vessels na ito sa “territorial sea of high tide features” sa Kalayaan Island Group, sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas, pati na rin sa palibot ng Bajo de Masinloc.
Lima pang Chinese Coast Guard vessels ang nakita ring nasa bisinidad ng Pag-asa island, Bajo de Masinloc at Ayungin Shoal.
“Through these protests, the DFA reminded China that Bajo de Masinloc, Pag-asa Islands, Panata, Parola, Kota Islands, Chigua and Burgos Reefs are integral parts of the Philippines over which it has sovereignty and jurisdiction. The Philippines exercises sovereign rights and jurisdiction over Julian Felipe Reef and Ayungin Shoal,” saad ng DFA.
Ang panibagong diplomatic protests ay karagdagan lamang sa araw-araw na protestang inihahain ng DFA laban sa nananatiling presensya ng mga Chinese vessels sa Julian Felipe Reef.
-
Pagiging incompetent ng pamahalaan, pinalagan ng WHO rep
PINALAGAN ni WHO Philippines Representative Dr Rabindra Abeyasinghe ang ulat na ang pagsirit ng bilang COVID-19 cases nitong Marso ay bunsod ng walang kakayahan ng pamahalaan na tugunan ito. Giit ni Abeyasinghe na hindi lang ang Pilipinas ang nakararanas ng pagtaas ng kaso ng Covid 19 kundi maging ang ibang bansa ay nakararanas […]
-
Operasyon ng MVIS hubs pinahihinto ng Senado at Kongreso
Magkasunod na humiling ang mga Senador at Kongresman na pahintuin ang pagpapatupad ng implementasyon ng pribadong motor vehicle inspection system (MVIS) ng Land Transportation Office (LTO). Ayon sa mga Senador, ang MVIS ay unconstitutional at pagisisimulan lamang ng malawakang kurupsyon. Sa nakaraang imbestigasyon ng Senado ay hiningi ni Senate committee on public services […]
-
NBI at PNP, hinimok na pukpukin ang mga kumikitang e-sabong operations sa bansa
HINIMOK ni Senador Ronald ‘’Bato’’ dela Rosa ang National Bureau of Investigation at Philippine National Police (PNP) na pukpukin ang mga kumikitang e-sabong (electronic cockfighting) operations sa bansa. Kausap ni Bato ang abogadong si Rennan Oliva, kasalukuyang direktor ng NBI Cebu regional office, na binantaan umano ng kaso ni Negros Oriental 3rd district […]