DFA, nangakong bibigyan ng maximun protection’ ang mga Pinoy sa Kuwait
- Published on May 15, 2023
- by @peoplesbalita
BINIGYANG diin ng Department of Foreign Affairs na bibigyan ng “maximum protection” ang mga Pilipinong nasa Kuwait.
Ito ay upang maibsan ang pag-aalala ng migrant community sa Gulf nation kasunod ng biglaang pagsususpinde ng mga bagong entry visa para sa mga Filipino.
Ayon sa tagapagsalita ng DFA na si Tessie Daza na ang Pilipinas ay nanatiling nakatuon sa pagresolba sa anumang isyu sa paggawa sa Kuwait sa isang makatarungan na paraan.
Aniya, makakahanap sila ng solusyon na magsasaalang-alang sa pangangailangang magbigay ng pinakamataas na proteksyon at pag-access sa hustisya para sa lahat ng mga mamamayang nagtatrabaho sa nasabing bansa.
Nauna nang iniulat ng awtoridad na nag-ugat ang suspensiyon sa umano’y mga paglabag na ginawa ng gobyerno ng Pilipinas kaugnay ng mga rescue operation nito na nagpapalaya sa mga manggagawang Pilipino mula sa mga abusadong employer.
Sinabi ng DFA na ang “blanket suspension” ay lumilitaw na sumasakop sa lahat ng uri ng bagong entry visa, tulad ng mga ibinibigay para sa negosyo, trabaho, turismo at pag-aaral. (Daris Jose)
-
Zoey Taberna, nag-open up sa kanyang pakikipaglaban sa sakit na leukemia sa murang edad
“Just the word ‘leukemia’ itself made me so afraid.” Ang leukemia, ayon sa healthline.com, “is a cancer of the blood cells.” Ito ang bahagi ng madamdaming post sa Instagram ni Zoey Taberna, ang panganay na anak ng brodkaster na si Anthony Taberna. Si Zoey, 12, ay kasalukuyang nakikipaglaban sa sakit na leukemia. Noong December 2, […]
-
SANYA, aminadong fan ni GABBY kaya kinikilig
KINIKILIG na umamin si Kapuso actress Sanya Lopez, sa interview sa kanya ng GMANetwork.com, na hindi pa niya nami-meet nang personal ang magiging leading man niya sa upcoming romcom series nila na First Yaya. Aminado rin si Sanya na certified fan siya ni Gabby Concepcion, kaya siya kinikilig, dahil hindi niya in-expect na darating […]
-
2 tulak laglag sa Caloocan drug bust
NASAMSAM ng pulisya sa dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang mahigit P80,000 halaga ng shabu matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na sina alyas Jobert, 35, ng Brgy. 120 ng lungsod at […]