• April 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Di kami perpekto, pero wala kaming nilabag sa batas’ – ABS-CBN exec

Pinabulaanan ni ABS-CBN President at CEO Carlo Katigbak na wala silang nilabag na batas kabilang ang anumang probisyon sa kanilang prangkisa na pinatotohanan naman ng dalawang regulator ng pamahalaan.

 

Kahit nangako silang magsilbi ng tunay, kinikilala naman ang kumpanya na hindi sila perpek-tong organisasyon na nagka-kamali na puwedeng itama.

 

“While our commitment to serve is genuine, we also acknowledge that we are not a perfect organization. Where we have shortcomings, we acknow-ledge them, and we work to correct them. May pagkukulang man kami, mas matimbang ang aming adhikain na makapag-lingkod,” ayon kay Katigbak.

 

Ganunpaman, sinabi pa ni Katigbak na wala silang nilalabag na batas kaya’t nagpasalamat ang opisyal sa Senate committee on public services na pinamumunuan ni Senador Grace Poe sa pagtawag sa pagdinig upang maibahagi ang kanilang saloobin.

 

“We would also like to state that we have not broken the law or violated any of the provisions of our franchise. We thank the Senate for inviting us today, and we welcome the opportunity to shed light on the issues that have been raised against us,” ani Katigbak.

 

Nagpasalamat naman ni Katigbak sa mamamayan at mga mambabatas sa pagsuporta sa pagbibigay ng panibagong prangkisa sa ABS-CBN Corporation.

 

“We are grateful for the many members of Congress and the Senate, spanning many parties and sectors, who have supported bills that would permit us to keep serving the Filipino community. We appreciate the statements from many individuals and organizations here and abroad who have voiced support for our renewal. Thank you to our colleagues from all over the industry for unselfishly and graciously showing support—we are forever grateful,” ayon kay Katigbak.

 

Samantala, pinatotohanan naman ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Securities and Exchange Commission (SEC), na walang nilabag na batas ang ABS-CBN at regular na nagba-bayad ng buwis kada taon.

 

Sinabi ng kinatawan ng SEC at BIR na tinutupad ng kumpanya ang regulasyon taliwas sa alegasyon ng ilang sector na ibinato sa network.

 

“They are regularly filing and paying their taxes for the past number of years,” ayon kay Simplicio Cabantac, Jr., head ng BIR Large Taxpayers Service.

 

Hindi sana ilalantad ng BIR ang tax payment dulot ng privacy laws, pero kalaunan, inilantad din ito na nagsasabing nagbayad ang ABS-CBN ng P14.398 bilyon mula 2016 hanggang 2019.

 

“Hindi kabilang dito ang income tax na babayaran sa Abril 15,” ayon kay Cabantac.

 

Hindi rin kasali dito ang ibinayad ng income tax mula sa artista, empleyado at talents ng kumpanya.

 

Sinabi ni Katigbak na nagbayad ang kanilang kumpanya ng P8.859 bilyon sa withholding tax mula sa empleyado mula 2009 hanggang 2018.

 

Ayon naman kay SEC Commissioner Ephyro Luis Amatong na wala siyang nalalaman na insidenteng may paglabag ang network o may reklamo laban sa ABS-CBN sa naturang komisyon. (Daris Jose)

Other News
  • Halos $4b investment pledges at daan- daang libong trabaho, posibleng pumasok sa Pinas

    POSIBLENG pumasok sa Pilipinas ang $4 bilyong halaga ng   investment at daan- daan libong trabaho kasunod ng 6-day working visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Estados Unidos.     Sa isang kalatas, sinabi ng Malakanyang  na ang business agreements at commitments na nasungkit ng Pangulo sa Estados Unidos ay tinatantiyang may investment value  na  […]

  • Gobyerno, “ALL OUT” laban kay VP Sara

    “ALL OUT” ang gobyerno laban kay Vice President Sara Duterte matapos na magbanta ito na ipatutumba ang First Couple na sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Unang Ginang Liza Araneta-Marcos at House Speaker Ferdinand Romualdez kapag may nangyari umanong masama sa kanya.     “I hope people understand that, there is nothing personal about this, […]

  • Sony Announces Brad Pitt’s Action Movie ‘Bullet Train’ Release Date

    SONY has announced that Brad Pitt‘s new action movie Bullet Train will pull into the station on April 8, 2022 — and yes, the star-studded film will play in IMAX theaters and other large premium formats.     David Leitch directed the high-octane movie, which follows a group of assassins on a train in Tokyo.     Pitt stars […]