‘Di kinaya na kinalaban ng ina ang negosyo nila: MATET, damang-dama ang pagiging ampon at ‘di talaga mahal ni NORA
- Published on December 6, 2022
- by @peoplesbalita
HINDI kinaya ni Matet de Leon na ang mismong ina niya, ang Superstar na si Nora Aunor ay kinumpetensiya pa sila sa negosyo nilang mag-asawa.
May matagal ng negosyo si Matet at ang kanyang mister na gourmet tuyo at tinapa. Pero naloka raw siyang talaga nang ang mommy niya, meron na rin “Ate Guy’s gourmet tuyo at tinapa.”
Sabi ni Matet, “Noong Wednesday, natutulog ako. Ang sarap ng tulog ko no’ng hapon. Paggising ko, si mommy, meron siyang message sa akin.
“Siyempre, kapag si mommy ang nag-message sa akin, ‘ ay, si mommy, nag-message sa akin!’ ‘Ano ang pangangailangan ni mommy?’ ‘Kailangan kong attendan ang pangangailangan ni mommy ko.’
“So ‘yun, ang unang-una kong nakita, ang mga sinend sa akin ni mommy na mga produkto nga niya. Naloka ko talaga! As in, nag-hyperventilate ako.”
Sabi pa rin ni Matet, “Hindi ko na alam kung ano ang rason bakit sinend niya sa akin ang mga pictures na ‘yan. Kasi, hindi ko na siya gustong kausapin.”
Kaya raw siya naba-badtrip na sinend sa kanya ng mommy niya ang mga bottled tuyo nito dahil meron din siyang gano’ng business, ang Casita Estrada gourmet tuyo at gourmet tinapa. At alam daw ni Ate Guy na meron siyang gano’ng business.
Kaya hindi raw niya alam kung bakit napagdesisyonan ng mommy niya kung bakit ito gumawa pa ng sariling brand niya.
Hindi na raw siya nag-post sa mga social media account niya, but instead, iniyak na lang daw niya.
“Iniyak ko na lang,” sey niya. “Ang ginawa ko, tinawagan ko ang ate ko (Lotlot de Leon), tinawagan ko ang Kuya ko (Ian de Leon).”
“How do I feel about it? I feel very sad. I feel betrayed. Grabe, ampon na ampon ang pakiramdam ko ngayon mga ‘tol! Ang lakas maka-ampon ng ginawa nila. Ang lakas maka-ampon! Damang-dama ko ang pagka-ampon ko.
“Walang gagawa nito sa anak nila. Ang ibig sabihin lang nito, hindi talaga ‘ko tinatratong anak.”
Pati raw ang mga taong malalapit sa Superstar, hindi na lang daw niya pangangalanan, pero ang tingin din ay hindi talaga sila mahal ng ina nila.
“Ngayon ko lang na-realize talaga. Hindi kami mahal ng nanay namin. Hindi naman ako iiyak dito. Ayokong manghingi ng awa ng galing sa inyo. This is just to clear the air.”
Marami pang sinabi si Matet sa kanyang Youtube vlog. Including tungkol sa utang na loob bilang isang ampon at iba pa. Pero sabi niya rin, kaya nga raw sila nag-negosyo ng gourmet tuyo at tinapa dahil wala naman siyang trabaho sa showbiz.
Kahit sinabi ni Matet noong una na hindi siya iiyak, bandang huli ay ‘di rin niya napigilan. Sinabi rin nito na mahal na mahal niya ang ina, pero hindi na raw siya makikipagkita o makikipag-usap dito, gayundin ang mga anak niya.
“Para hindi ka na naiinis,” ang sabi na lang niya.
***
NAGING emosyonal si Boobay sa naging premiere night ng pelikulang “Broken Blooms” na ipalalabas na sa mga sinehan sa December 14.
Marami kasi, lalo na sa LGBTQ+ community ang makaka-relate sa character ni Boobay sa movie. At in fairness, talagang nanggulat siya rito kaya pinalakpakan pa siya sa isang scene.
Pero tila hindi napigilan ni Boobay na maging emosyonal nang sabihin niya na, “Nang mapanood ko, sobra talaga ang pasasalamat ko kay Direk Louie (Ignacio). Pero ‘yun po talaga, dahil firs time kong mapanood ‘to, hindi ako makapaniwala, parang nasabi ko sa sarili ko na ito ‘yung ikaka-proud ko na sabihin sa tatay ko na, manood ka Pa.
“Kasi sa pelikulang ito, nakalagay na ‘Norman “Boobay” Balbuena na apelyido mo.”
At kung meron man daw na masasabi niyang kapareho ng totoong siya sa character na ginampanan niya, “’Yung pagkakaparehas namin ‘yung giving without expecting. Masaya ka lang. Pero kapag ayaw na niya na binibigyan mo siya, ‘yun ang masakit.”
Bukod sa tatay niya, proud din daw si Boobay na ipapanood ang movie sa kanyang bff na si Marian Rivera. Inimbitahan nga raw niya itong manood ng premiere, pero dahil may schedule na, hindi na nakapunta.
Pero thankful daw siya rito na alam niyang very supportive sa kanya palagi.
(ROSE GARCIA)
-
Giant company, malabong makabalik sa negosyo kahit bigyan pa ng 5k prangkisa ng Kongreso
MALABONG makabalik sa negosyo ang isang giant company kahit bigyan pa ito ng prangkisa ng Kongreso kung hindi naman nito aaregluhin ang tax dues. “Maski na bigyan ninyo ng limang libong franchise ‘yan, hindi i-implement ‘yan… Just because you gave them franchise, it does not follow that all of their misdeeds in the pasy are […]
-
China, ibinasura ang ‘unwarranted accusation’ ng Pinas ukol sa fishing ban
IBINASURA ng China ang “unwarranted accusation” o protesta ng gobyerno ng Pilipinas laban sa unilateral imposition nito sa fishing ban sa mga lugar na extended sa West Philippine Sea (WPS). Sinabi ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Zhao Lijian na ang naging deklarasyon ng Beijing na fishing ban, na naging epektibo noong Mayo 1 […]
-
“AQUAMAN AND THE LOST KINGDOM” TO HOLD MIDNIGHT SCREENINGS ON DECEMBER 20
GET ready to dive into the world of Atlantis once again. Watch the trailer: https://youtu.be/h1fiesc6opk?si=gLijcqFPzplIhyrb Jason Momoa is back on the big screen as the titular superhero in “Aquaman and the Lost Kingdom,” directed by James Wan. As an additional treat for fans, the movie will have midnight screenings on December 20 in IMAX […]