• April 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Di man nagwagi at itinanghal lang na First Runner-Up: HERLENE, humakot ng awards sa nakaraang ‘Binibining Pilipinas 2022’

TAMA nga ang mga naglalabasang chika na balik GMA-7 na si Billy Crawford.

 

 

Ngayong August na rin siya magsisimulang mapanood sa GMA via the thrilling game show na “The Wall Philippines.”

 

 

Ang “The Wall Philippines” ay co-production between GMA-7 and Viva Entertainment, Inc., at kunsaan, si Billy ang magsisilbing host.

 

 

Isa itong uri ng pachinko game with a twist. May chance na manalo ang mga player ng life-changing prize worth millions of pesos. Part knowledge and part luck.

 

 

Ang main goal ng game ay makapag-bank ng maraming pera sa pamamagitan ng pagsagot ng mga trivia questions and landing the balls on high-value bins. The mechanics are simple – get a correct answer to get a green ball, miss a question and get a red ball. Green adds, red subtracts.

 

 

Ang “The Wall Philippines” ay isang game show na created by LeBron James, Maverick Carter, and Andrew Glassman at distributed by Banijay Rights Limited.

 

 

Sa isang banda, bago sa GMA ang “The Wall Philippines”, pero hindi kay Billy dahil naging host na siya nito noong ang TV5 pa ang ka-collab ng VIVA na tumagal din ng anim na buwan last year.

 

 

Aabangan siguro ngayon kung ano ang magiging kaibahan ng atake ni Billy now that sa GMA na ito mapapanood.

 

 

***

 

 

HUMAKOT ng awards si Herlene Nicole Budol o nakilala bilang si ‘Hipon Girl’ sa nakaraang Binibining Pilipinas, bukod pa sa siya ang itinanghal na First Runner-Up.

 

 

Kitang-kita rin na maraming fan na sumisigaw at nagsi-cheer sa kanya. Pero marami ang napabilib nito sa naging sagot niya sa tanong kung ano ang naging transpormasyon niya habang nasa Binibini siya.

 

 

Pasok ang sagot niya na, “Binibining hindi inaasahan. Ang sarap mangarap. Walang imposible na ako po ay isang komedyante na laki sa hirap at ang aking transpormasyon ay ang magbigay ng inspirasyon. Because I know for myself that I am uniquely beautiful with a mission.”

 

 

Pinuri rin ang paggamit ni Herlene ng wikang Filipino, lalo na’t aminado itong hindi magaling sa wikang english. Isa si MJ Lastimosa sa nag-tweet na, “Ganyan nga Nicole Budol normalize using our language in Philippine beauty pageants, coz why not?!!!!”

 

 

Pinagdududahan naman ng iba na base raw sa kasi sa mga rumehistrong reaction ng ibang Binibining Pilipinas candidate, parang si Herlene ang ine-expect na tatawaging winner instead of first runner-up.

 

 

Pero sey rin ng ilang beauty pageant fans, unexpected na rin daw for a first timer sa national beauty contest na naka-first runner-up na ito at pwedeng-pwede pa rin na sumaling muli.

 

 

Pagkatapos ng Binibining Pilipinas, may plano na si Herlene.

 

 

Ayon dito, “Babalik po tayo sa showbiz and siyempre, gagampanan ko po ang mga trabaho ko na kailangan pong gawin ngayon sa Binibini.”

 

 

(ROSE GARCIA)

Other News
  • TUPAD ORIENTATION IN BULACAN

    Governor Daniel R. Fernando with some of the 609 beneficiaries of the Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers in the province during the TUPAD Orientation as part of the Weeklong Celebration of Labor Day 2021 held at the Bulacan Capitol Gymnasium, City of Malolos, Bulacan yesterday.     Si Gobernador Daniel R. Fernando kasama ang […]

  • LTFRB, nilinaw na walang katotohanan na phase out na ang traditional jeepney

    NILINAW ng  Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi totoong aalisin ng gobyerno ang mga tradisyunal na jeepney sa mga darating na buwan.     Ngunit, nagpapatuloy ang planong gawing moderno ang pampublikong sasakyan.     Nababahala ang mga driver na hindi na ipagpatuloy ang mga jeepney kapag lumipat ang mga lugar sa […]

  • Drug war ni Digong Duterte, ‘unacceptable policy’- Malakanyang

    ITINUTURING ng Malakanyang na ‘unacceptable” approach sa anumang gobyerno ang kontrobersiyal na drug war policy na ikinasa ni dating Pangulong Rodrigo “Digong ” Roa Duterte. “Hindi siya dapat polisiya ng isang gobyerno in the first place. It’s against the law,” ang sinabi ni Presidential Communications Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa […]